Author's note: It's best to play the attached music during the second part of the dance party ;)
-------------------------
Chapter 44 - The One With The Final Decision
Matapos ng nakaka stress na usapan namin nila Tanya at AM ay sabay sabay din kaming bumabang tatlo. AM received a text from Dahlia asking where she is kasi tapos na daw ayusan ang ate niya at pababa na. Kay AM ko lang din nalaman na kaya late mag pakita si Thera sa lahat ay dahil sa may importante pa itong inasikaso na may kinalaman sa negosyo nila.
Today is her birthday. There's a party waiting for her, visitors that are anticipating her presence. Yet, she still prioritizes what's important. She will always prioritize the things that are most important. It makes me wonder...
Pag ako ba sumugal, kaya niya talikuran yung mga importanteng bagay na yun?
Marahan kong iniling ang ulo ko para alisin yung tanong na yun sa utak ko. I have to stop overthinking.
"Okay ka lang?" mabilis akong napatingin sa kaisa isang taong katabi ko dito sa lamesa. Si Mykel na ngayon lang ako kinausap.
Eto yung lamesa kung saan dapat nakaupo sila Harper, pero nang bumaba ako, nagkalat silang lahat. Si Harper, andun kasama si Riley at Luna. Maski si AM at Tanya doon sa kanila lumapit nang makababa kami. Ngayon, magkakausap parin sila habang nakatayo at mukhang nagkakapalagayan na ng loob.
They're all laughing at something Tanya is saying. I'm glad to see that they're all getting along with each other.
Sa kabilang banda naman ay ang oldies club. Si mama na nameet na si manang Pam at si Manong Rey, kasama si Dahlia. Meron silang pinagkwekwentuhan na mukhang seryoso naman. Mula sa kinauupuan ko ay tanaw ko din si PM at si Mykel na magkausap sa isang table. Kanina kasama nila si Mykel diyan, pero nang mapansin niya ata na mag isa ako dito, ayun, umupo sa tabi ko.
I smiled at him to show him, "I'm okay."
He smiled back, "Bakit di ka sumali dun sa usapan nila?" tanong niya na ang tinutukoy ay sila Harper.
"Mamaya nalang. Medyo napagod na ko makipag socialize." which is totoo naman. Bukod kasi sa mga kakilala ko na ay ibinida pa ko ni PM sa ibang mga tao dito na di ko kilala. Nakailang pakilala rin ako sa sarili ko. I appreciate all the compliments and greetings from other people, but I feel tired. I feel really tired.
"I see. Kaya pala humiwalay ka muna sa kanila. Mukhang ang saya saya pa naman ng pinagkwekwentuhan nila dun."
Muli akong napatingin dun sa direksyon nila Luna. This time, si Riley naman ang mukhang kung ano anong sinasabi at si Luna napapapikit at mukhang nahihiya. Everyone is laughing, except...except Tanya, which is weird. Kanina lang siya yung sobrang hyper diyan.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...