65 - The One Behind It All

52.2K 1.8K 3.7K
                                    


Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.



****

Chapter 65 - The One Behind It All


-Third Person's Point Of View-


Dinig maski sa labas ng pintuan ng hospital ang lakas ng pag tangis ng dalaga. Lahat ng dadaan sa kwarto kung saan siya naroon ay napapatingin sa nakasaradong pintuan at pareparehas may pag aalala sa mga mukha habang nakatingin dito.


"They were just kids! They were innocent! He manipulated them into doing all that! They were fucking innocent!"


It was Harper who's crying so hard. Mabuti na lamang at hindi siya nag iisa at merong isang taong kasalukuyang humahaplos sa likuran niya. It's Luna.


Mahigpit siyang nakayakap kay Harper na noo'y umiiyak sa mga braso niya.


"Luna! They were innocent! I can't! I can't! I can't---I fucking can't accept this!" Her voice is cracking while her heart is breaking. Sa bawat pag basag ng boses ni Harper ay ang mas pag higpit ng yakap ni Luna.


"Luna! Believe me...they were innocent...AM!!! PM!!!!"


Napapikit si Luna. Kasabay nun ang pag tulo ng luha niya. Sa ngayon ay nais niya lamang iparamdam kay Harper na hindi siya nag iisa habang patuloy ang sinasagawang imbestigasyon upang hanapin ang katawan nila AM at Philip na nalaglag sa bangin.


Halos kakabalik lamang ni Luna sa hospital. Nang galing siya sa lugar kung saan naganap ang trahedya. Naroon siya dahil sinundo niya si Sky at si Thera. Both women were devastated, but Sky was trying to be the tough one. While Thera...


Nakatulala lamang siya at para bang tuluyan nang nawala sa sarili.


Ihinatid niya ang dalawa sa mansyon kung saan sinalubong sila nila Rey, Pam, at maski ni Sophie, at ng iba pang tao sa bahay. Naroon din si Tanya na nag punta sa mansyon dahil sa sobrang pag aalala.


Luna was the one who told them about the news.


Literal na nawalan ng malay si manang Pam na kinailangan pang alalayan nang madinig ang balita. Mabuti na lamang at naroon si Tanya at si manong Rey na siyang umalalay sa matanda. Si Dahlia naman na naguguluhan ay walang tigil sa pag iyak at napakaraming katanungan. Dahlia was the one taking care of Teddy. Kahit si Teddy ay sumabay na sa pag tangis ng lahat sa mansyon.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon