63 - The One With All The Sacrifices

57K 1.8K 4.7K
                                    


Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.


****

Chapter 63 - The One With All The Sacrifices


Halos lumabas sa dibdib ko yung puso ko habang nakikinig sa mga putok ng baril na nagmumula sa labas. The anticipation of whatever is about to happen is killing me. Andaming tanong ang tumatakbo sa isip ko.


Bakit may nagbabarilan? May mga pulis ba? Nahanap ba nila ko? Andiyan ba si Luna? Si Mykel? O may sumugod na mga kalaban ni Philip sa mafia at mafia war yung nangyayare sa labas? Kung oo, ligtas ba ko sa lugar na 'to o dapat ba kong humingi ng saklolo?


Fuck! I can't decide! Lalo pa't kaunting galaw umaandar yung 10 seconds timer.


Nauuhaw na ko, nagugutom, naiihi, tangina! Ang dami kong gustong gawin. Gustong gusto ko ng umalis dito, pero wala akong magawa kung hindi umiyak.


Am I going to die here without anyone ever finding out? I'm going to die alone then...


Thera...my beautiful Cythera. I miss her, I really miss her. It physically hurt.


Hindi ko napigilang umiyak na naman habang inaalala yung maamo niyang mukha. Yung comfort na dulot ng mga bisig niyang mahigpit na nakayakap sa bewang ko, her soft breathing, her sweet smile...I miss her. God! I want to see her.


Kung eto na talaga yung last day ko sa Earth, please, please kahit sa huling pagkakataon, pahintulutan niyo kong makita yung babaeng pinakamamahal ko. Now, that's my dying wish. Allow me to see and feel her for one last time.


Palapit ng palapit yung tunog ng baril sa labas ng pinto ng kwarto kung saan ako itinago ni Philip. Grabe yung kabog ng dibdib ko. Ngunit hindi nag tagal ay nabalot ng katahimikan ang paligid. Natigil yung putok ng mga baril.


What happened?


Matapos ang ilang minutong katahimikan, napapitlag ako ng muling may pumutok ng baril. Isang putok na agad sinundan ng pangalawa. Pagkatapos nun ay muling nanahimik.


Kung ano mang nangyare sa dalawang palitan ng putok na iyon, hindi maganda yung kutob ko. Pakiramdam ko nalaglag yung puso ko.


Should I scream and ask for help?


The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon