For love, would you play the role of the hero or the villain?
An unmasked serial murderer is on the run, and killings are taking place all over the country. What a bad moment for a girl named Skylar Millie Parker to return home after four years in C...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
****
PROLOGUE
"Pwede kang model o kaya artista."
Linyang palagi kong naririnig sa mga taong nakapaligid sa'kin.
Nag angat ako ng ulo at tumingin sa kuyang tumutulong sa'kin mag ayos ng maleta at iba ko pang gamit dito sa baggage claim area ng airport. Nginitian ko siya bilang tugon dun sa sinabi niya. Isa siya sa mga staff dito sa airport na nag boluntaryong tulungan akong maglagay ng mga gamit ko sa luggage cart. Nahirapan kasi akong dalhin lahat ng gamit ko, medyo madami kasi. Kaya laking ginhawa ko nang may apat na lalakeng lumapit sa'kin kanina; nag uunahan pang magbigay ng tulong.
Bukod kasi sa tatlong malalaking maletang pinaglagyan ng mga gamit ko eh may iba pa kong mga dalang abubot. Laptop bag, isang shoulder bag, at backpack.
"Uy pre! Feeling close ka kay ma'am ah." Kantyaw nung isa sa apat na tumutulong sa'kin.
"Sinabi ko lang kasi ang ganda ni madam eh. Siguro ma'am model ka no?"
"Sus! Itigil niyo nga yan. Mamaya mailang si ma'am eh. Ma'am pag pasensyahan mo na 'tong mga 'to. Minsan lang kasi makakita ng magandang tao." Sabi nung kuyang tumapos sa pag aayos ng mga gamit ko at naghanda para itulak yung cart.
I doubt na minsan lang sila makakita ng magandang tao kasi sa airport sila nagtatrabaho.
I flashed them a reassuring smile to indicate that I was fine with the compliments. Not to brag, pero medyo nasanay narin ako sa gantong eksena.
Bago pa maitulak ni kuya yung cart, lumapit ako sa kanya "Ay kuya ako na po, nakakahiya naman na. Apat na kayong tumulong sa'kin. Kaya ko na po yan."
"Sige lang madam. Hatid ka na namin hanggang labas. Baka mabigatan ka lang."
Mas lumapit ako sa cart at hinawakan yung handle nun.
"Okay lang po, kuya. May naghihintay din naman po sa'kin sa meet and greet area. Kaya ko na po mag-isa. Para ma-assist niyo narin po yung iba."