19 - The One With The Threat

70.6K 2K 881
                                    



 Chapter 19 - The One With The Threat


-Third Person's Point of View-


"Ayos naman ako. Eto, kaunting sakit nalang ng katawan, hindi tulad kahapon. Paminsan nahihilo, pero kaya naman." pagbibigay ni Mykel ng update kay Luna na kausap niya sa kabilang linya. "Eh yung kaso, kamusta? Meron bang bagong biktima?" tanong ng binata na kasalukuyang nagpupunas ng mukha gamit ng towel.


Alas sais pa lamang ng umaga at kakagising lamang niya. Pagkagising ay agad siyang dumiretso sa banyo para magsipilyo at mag hilamos upang gisingin ng tuluyan ang katawan niya. Pagkalabas na pagkalabas ng banyo ay naka tanggap siya ng tawag mula kay Luna na nanghihingi ng update sa kondisyon niya.


"Di parin umuusad dahil wala pang nahahanap na bagong ebidensya. Ilang Linggo na rin nakalipas simula nung huling biktima niya. Paniguradong natunugan niya na may nalaman tayo tungkol sa email address na ginagamit niya at dagdag mo narin yung naging engkwentro niyo. Mas nag iingat yun ngayon. Mas tahimik siya, mas nakakatakot." sagot ni Luna sa kabilang linya na siyang nakapag patigil kay Mykel sa paglalakad sa sala ng maliit niyang apartment.


"Kung walang bagong biktima, sino yung nasa loob nung kotse nung gabing yun?" tanong ni Mykel sa kausap dahil sa pagkaka alala niya ay may tao sa loob ng sasakyan nung gabing nakaengkwentro nila ang killer, dahil gumalaw iyon.


"Hindi ko rin masasagot. Kung totoo ang hinala mong may tao sa loob ng sasakyan nung nakasagupa niyo siya at malakas ang kutob mong biktima yun, malamang kung ano ano pang kababaglahan ang pinag gagawa niya bago niya itapon sa kung saang lugar." Hula ni Luna. Dahil dun ay napabuntong hininga si Mykel nang magpagtantong wala silang kalaban laban sa killer na ito.


Tila ba hinahayaan lang nilang gawin nito ang lahat ng pag patay at ang tangi lang nilang magagawa ay maghintay para sa sunod na posibleng ebidensya. Sinubukan din nilang puntahan ang iba't ibang hospital na malapit sa lugar kung saan nila nakasagupa ang killer, maski narin ang mga vet clinics sa paligid dahil sa hula ni Mykel na posibleng aso ang nabaril niya, ngunit wala maski isang nagkumpirma.


Labis mang nakakapagtakha, ngunit malinis talagang magbura ng ebidensya ang serial killer na ito.


"Kaya ikaw, bilisan mong magpagaling. Bawiin mo lahat ng nawalang lakas sayo sa isang Linggong leave mo. Kailangan ko yang utak at sipag mo dito, Mykel." dagdag pa ni Luna sa kabilang linya.


Ngumiti si Mykel at sinagot ang sinabi ng kaibigan. "Oo na. Pangako, babalik akong mas malakas. Hindi matitinag kahit ng limang tear gas pa yan." pag bibiro niya.


"Sira ulo." komento ni Luna. Kasunod nun ay ang pagtunog ng doorbell sa apartment ni Mykel. "Sino yun? May bisita ka?" dagdag na katanungan ng dalaga na narinig ang sunod sunod na pagtunog ng doorbell.


"Wala naman. Baka yung inorder kong pagkain. Sige na. Update mo nalang ako sa chat pag may bagong balita." pag papaalam ni Mykel. Nagpaalam narin si Luna sa kabilang linya atsaka pinatay ang tawag.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon