25 - The One Where They Went To EK Pt.2

82.5K 2.4K 7.5K
                                    


Little House by Amanda Seyfried :))

-------------



Chapter 25 - The One Where They Went To EK Pt. 2



"Kuya, magkano isang laro?" tanong ko kay manong na nagbabantay. Medyo nagulat pa siya nang lumingon sa direksyon namin at bahagyang natigilan. Pero nang makabawi ay ngumiti samin si manong.


"100 dalawang bola ganda." sagot niya sakin, pero ang titig, doon nakatutok kay Thera na nasa gilid ko at busy sa pagtingin tingin ng mga stuffed toys sa harap niya.


Di ko napigilang mapangiti nang iangat ni Thera yung isang aso na stuffed toy sa pamamagitan nang paghawak sa tenga nun. Salubong pa ang kilay niya habang nakatitig dun sa laruan na akala mo eh may kasalanan sa kanya kung pakatitigan niya. 


"Lalaro kayo ma'am?" agad bumalik ang atensyon ko kay kuya dahil sa tanong niyang yun.


"Sige po. Dalawang bola muna." sagot ko sa kanya, sabay bukas ng sling bag ko para sana kumuha ng 100, pero natigilan ako nang may humawak sa braso ko at para bang pinipigilan akong kumuha ng pera. 


Sino pa ba, edi yung masungit na kasama ko. "Bakit?" tanong ko sa kanya.


"You said we're going to play guns. Where are the guns? These are balls and some fake fluffy stuff." nagtatakhang tanong niya.


Napatingin pa ko kay kuya matapos nang tanong na yun ni Thera, mabuti nalang at abala si kuya sa pag check nung mga bola at mukhang di narinig yung pagtawag ni Thera ng fake dun sa mga stuffed toy. Anak ng batang OA, stuff toy nalang, tinawag pang fake fluffy stuff.


"Pst, wag ka ngang ganyan. Mamaya isipin pa nung may ari jinujudge mo yung negosyo niya. Hayaan mo na kung fake, cute naman. Ang importante dito makapag enjoy." saway ko sa kanya sabay tingin dun sa baril barilan. "Ang dami pang tao dun eh. Mamaya na yun." 


Tumingin din siya dun sa direksyon nung stall kung saan naroon yung gun skill game. Sabay balik ng tingin sakin na mukhang naguguluhan. "You have got to be kidding me. That's the gun activity you were referring to?" 


This time, ako naman ang nalito dun sa tanong niyang yun, "Huh? Bakit ano bang iniisip mong tinutukoy ko kanina?"


"A shooting range." seryosong sagot niya. Pinakatitigan ko siya ng mga ilang segundo para tignan kung nag jojoke na naman ba siya, pero mukhang hindi. 


Pasaway na! Sinong maglalagay ng shooting range sa amusement park? Gusto niya totoong baril?! Parang sinabi ko din sa kanya kanina na pupunta kami sa baril barilan para kumuha ng prizes. Don't tell me naisip niya talaga na may shooting range dito na namimigay ng stuffed toys?


"Baliw ka b---"


"Ma'am ganda, eto na po yung bola," pagsingit ni kuya sa usapan namin dahilan para matigil ako sa pagtawag ng baliw kay Thera. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon