14 - The One With The Call

82.2K 2.3K 2.8K
                                    



Chapter 14 - The One With The Call



Limang araw na. Limang araw ng nakakalipas simula nung mangyare yung naging pagtatalo namin ni Thera. Isa sa mga pinaka di ko makakalimutang araw ng buhay ko. Sa sobrang tumatak sakin ng nangyareng yun, hanggang panaginip binibisita ako.



Sa panaginip ko, iba't ibang usapan pero iisang senaryo. Di na ko pinatulog ng maayos. 



Mula Lunes hanggang ngayon, Biyernes, yun parin laman ng utak ko. Mas naaalala ko pa yung mga naging batuhan namin ng mga salita kesa dun sa mga sagot sa long exam nang kambal kanina. Pucha, sariling gawa kong test paper, di ko maalala yung sagot. Di ko rin maalala kung saan ko nilagay yung answer sheet. Sa sobrang grabe ng epekto sakin ng bubwit na yun, pati trabaho ko naaapektuhan na. 



Sa bahay ko na lang ichecheck yung test papers nung dalawa. Baka nahaharangan talaga ng lamig yung utak ko pag nandito ko sa mansyon. 



On a positive note, limang araw naring nakakalipas at andito parin ako. Sa madaling salita, di tulad ng inexpect ko, di niya naman ako inevict sa mansyon. Andito parin naman ako't payapang nakakagalaw sa loob.



Payapang nakakagalaw, maliban nalang pag nagtatagpo ang landas namin.



Matapos ang pangyayareng yun, hindi na kami nag usap ulit dalawa. May ilang pagkakataon pang nakakasalubong ko siya sa hallway o kaya sa kusina, pero di niya naman ako pinapansin. Nilalagpasan niya lang ako na para bang di ako nag eexist sa paligid.



Di lang naman siya, pati ako ganon sa kanya. Sa peripheral view ko lang siya nakikita. Di ko siya tinitignan ng diretso o binabati man lang. Minsan pa eh umiiwas ako sa dinadaanan niya para di magtagpo ang landas namin. Hindi sa bumalik yung dating takot at intimidation na nararamdaman ko sa kanya...



I just don't want to start another conversation with her that may lead to another argument. Besides, I have no idea what I will tell her to begin with. Ayoko din namang mag sorry sa kanya. Bahala siya diyan.



Kasalukuyan akong nagpapahangin sa patio ng building B habang kumakain ng cake at umiinom ng mainit na kape. Di tulad dun sa main mansion na madaming tao, mas tahimik dito. Tapos ang ganda pa ng view. Sa sobrang lawak ng mansyon na 'to, magdadalawang buwan na kong nakatira dito, hindi ko parin nalilibot ng buo. Bukod kasi dun sa main mansion ay meron pang iba't ibang bahay sa loob ng property.



The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon