Chapter 17 - The One When There Was A Power Outage
-Third Person's POV-
Humahangos sa pagtakbo si Luna papunta sa isang kwarto sa hospital kung saan naroon si Mykel. Kanina pa naghihintay ang dalaga sa pag gising ng binata. Nang maisipan niyang bumaba upang bumili sana ng makakain ay nakatanggap siya ng text mula sa isa sa mga kasamahang pulis na gising na si Mykel, kaya naman madali siyang bumalik sa loob ng hospital at hindi na namili pa.
Pag karating sa harap ng pinto ay agad iyong binuksan ni Luna. Bumungad sa kanya si Mykel na kausap ang doktor nito. Sabay napatingin si Mykel at ang doctor sa direksyon ni Luna. Nang makalapit ang dalaga ay agad siyang kinausap ng doktor upang ibahagi ang kalagayan ng binata.
Maluwag namang nakahinga si Luna nang sabihin ng doctor na ayos na si Mykel. Kailangan lamang magsagawa pa ng ilang lab examinations at maaari na itong lumabas. Di pa nagtagal at nagpaalam na ang doktor at naiwan silang dalawa sa loob ng kwarto.
Nang makalabas ang doktor ay mabilis lumapit si Luna kay Mykel at laking gulat ng binata nang bigla itong hampasin ni Luna ng malakas sa balikat.
"Aray naman!" daing nito. "Kakagising ko lang, nanakit ka kaagad?" dagdag pang reklamo ni Mykel na hinihimas ang parte ng brasong hinampas ni Luna.
"Bwiset ka, alam mo ba yun? Alam mo ba kung gaano mo kami pinag alala kanina ha?" panimula ni Luna na may magkahalong inis at pag aalala sa mukha.
Bahagyang napayuko si Mykel dahil sa sinabi ng kaibigan. "Nasabi na sakin ng doktor kung anong nangyare." anito.
"Alam mo ba kung gaanong takot yung naramdaman ko kanina nung datnan namin kayo ni James ng walang malay, ha? Pag dating namin dun, Mykel, halos wala ka ng pulso." sabi ni Luna na sinundan ng malalim na buntong hininga. "Paano kung hindi ka na nakatawag ng tulong? Liblib pa naman yung lugar na yun. Edi nabawasan ng isang hinayupak sa mundo?" dagdag pa ng dalaga.
"Sorry na. Wag ka na mag alala. Importante okay na ko."
Dahil sa sinabing yun ni Mykel ay muli itong nakatanggap ng hampas kay Luna.
"Aray! Grabe ka naman mag alala."
"Wag ka masyadong assuming, hindi ako nag aalala sayo. Nag aalala ko sa magiging reaksyon ni Sky kapag may nangyaring masama sayong baliw ka. Lalo na't ako pa nag atas sayo sa task na yun." pagpapaliwanag ni Luna na nakapag pangisi kay Mykel.
"Sus. Nag aalala ka din naman sakin. Sige na, thank you na." pang iinis ni Mykel sa dahilan para irapan siya ni Luna. Unti unting nawala ang mga ngiti sa labi ni Mykel nang maalala ang nobya dahil sa sinabi ng kausap.
"Si Sky, nakausap mo na ba siya? Alam ba niyang nandito ako?" mga katanungan ni Mykel.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...