61 - The One With Two Hearts And One Gun Pt. 2

67.3K 2.1K 7.4K
                                    


Author's note: This version of the story is UNEDITED. Apologies for the incorrect grammar, spelling, and other writing flaws. I will fix this at a later time.

WARNING: HEAVY ANGST


****

Chapter 61 - The One With Two Hearts And One Gun Pt. 2


-Skylar's Point Of View-


Halos takbuhin ko na yung distansya sa pagitan ng kwarto ko papunta sa garahe nitong mansyon. Kahit sinong mag tanong sakin kung ayos lang ba ako o kung kahit sino pang tumawag sakin ay wala akong pinansin na maski isa. Si Teddy, iniwan kong natutulog at binilin nalang kay manang Pam.


Sa ngayon, dirediretso lang ako sa paglalakad; iisang bagay lang ang nasa isip ko. Si Thera, yung kaligtasan ni Thera.


She's with Luna and based on that text message, Luna knows. Fuck! She knows! Kung paano niya nalaman? Hindi ko alam. Hindi ko na alam! Wala na kong naiintindihan sa mga nangyayare! Pero isa lang ang sigurado ako...


Thera have already suffered much. She doesn't deserve any of this. If I have to put the blame on someone else or even take the fucking blame on myself in a way I don't know how, I will. I fucking will! Kahit sino, kahit ako, wag lang si Thera. She's too pure to continuously suffer from all of this!


Luna, please. Don't do anything stupid. Don't do anything that will hurt her already fragile heart.


Mula sa mabilis na paglakad ay napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko. Kanina pa ko naka alerto sa mga mensaheng pumapasok sa phone ko. Hindi ko na mabilang kung ilang text messages ang nasend ko kay Luna, nag mamakaawang sagutin niya yung mga tawag ko. Maski kay mama, puro tanong kung alam niya kung nasaan si Luna, pati narin yung isa pang phone ni Thera na lagi lang nasa kotse niya, nakailang tawag na ko! Pero wala! Walang sumasagot.


Nag hihintay ako ng maski kahit isang mahalagang reply man lang, and there I saw Mykel's name popped on my screen.


From: Mykel

Sky, SLR. Ngayon ko lang nabasa. Naka off yung location ng phone ni Luna. Hindi ko siya ma-track ngayon. Is everything okay? May nangyare ba?


Basa ko sa reply ni Mykel sa text ko sa kanya na kung pwede niyang i-track yung location ni Luna. Pagkabasa ko ng reply niyang yun ay muling bumagsak yung pakiramdam ko. Mukhang walang kaalam alam si Mykel sa nangyayare.


I know Luna, sobrang tigas ng ulo niya! Kahit alam niyang ikakapahamak niya, kikilos siya mag isa. May ugali siyang gusto niyang nireresolba muna yung mga bagay sa sarili niya bago ipaalam sa iba. I don't know if that's a good thing or that something even worse.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon