39 - The One With The Digital Voice Recorder

77.2K 1.9K 5.6K
                                    


Chapter 39 - The One With The Digital Voice Recorder

A/N: Multiple artworks will be mentioned in this chapter. Search at your own risk. Some may be disturbing to some readers. I attached a video you can play during the latter part of Sky's conversation with Luna. 


The Scream(Pysduck's version) - The Quack

(Nakita ko lang hahahaha!) 

(Nakita ko lang hahahaha!) 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



-------------------------------


"It was Nana who died." bahagya siyang umurong papalapit sa kinauupuan ko. "She died." pag uulit pa niya na siyang nakapag pakunot ng noo ko. 


"Nana?" I said in confusion. 


"Yes, Nana. You're not paying attention."


"Sino si Nana?"


"Nana---oh god, Millie! Nana, grandmother. Ross and Monica's grandmother died." naiinis na paglilinaw niya na yung nana pala eh lola, sabay hampas sa balikat ko. "You're not paying attention. I told you to watch attentively. Now, look at the screen." utos niya sabay turo sa 62" 4k TV na nasa harapan namin. 


Nana kasi siya ng nana. Alam ko namang Nana lola, pwede din namang pangalan kasi. Pwede ding sa sugat---


Anyway...


Tulad ng utos niya, muli kong ibinalik ang atensyon ko sa TV. Simula kaninang hapon, pagkatapos ng klase ko sa kambal, andito na kaming dalawa sa loob ng kwarto niya, nanonood ng F. R.I.E.N.D.S. Akala ko pa kanina meron siyang importanteng sasabihin nung pinatawag niya ko kay Dahlia, tapos pag pasok ko sa kwarto niya, may pop-corn, kung ano anong klase ng matatamis, at iba't iba pang snack na nakahanda. 


Nakakailang episodes na kami, pang walo na nga ata 'tong pinapanood namin ngayon. Basta! Di ko na nasundan. Friends is a fun show, may mga times naman na natatawa ko. Pero di na ko magsisinungaling sa sarili ko. Sa walong episodes na pinanood namin, mga apat lang dun yung nag focus talaga kong panoorin. 


I'm distracted. Who wouldn't be? I've been smiling like a fool for almost 5 hours now. Literal na nangangalay na yung pisnge ko kakangiti ng paulit ulit. Paanong hindi, magkatabi kaming nakaupo sa malambot niyang couch, nakapatong ang dalawa niyang paa sa upuan habang ang kabuuan ng katawan niya ay kumportableng nakasandal sakin. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon