DJ, play Enchanted by Taylor Swift...
----------------
Chapter 28 - The One Where They All Met
Ready na lahat. Mga gamit na dadalhin? Check. Maayos na sarili? Check? Cellphone na fully charged? Binunot ko yung phone ko mula sa pagkakacharge. Nag shutdown kasi, pero 100% naman na ngayon. Pinulupot ko yung charger at nilagay sa loob ng bag. Check, check, check. Okay na lahat. Ready na ko umalis at pumunta sa probinsya.
Dalawang araw na pahinga mula sa mga polusyon at stress dito sa city. Kaya lang, sasama pala yung isa sa mga pinakamalaking source of stress ko.
Kinuha ko na yung bag ko na nakapatong sa kama at isinuot yan. Pagkatapos ay sinara ko na ang pinto ng kwarto ko't lumabas. Biyernes ngayon, alas sais na ng gabi. Sa totoo lang, halos kakatapos lang ng klase ko dun sa kambal kaya feeling ko kanina gahol na gahol ako sa oras. Mabuti nalang at kahit paano nakapagimpake na ko kagabi. Backpack lang ang dala ko at unting gamit. 2 days lang naman kami dun. Hindi ko narin dadalhin yung laptop ko. Wala munang magtatrabaho!
Pagkapasok ng elevator ay pinindot ko yung button papababa ng 3rd floor. Checheck ko lang kung yung kasama kong aalis eh nakaayos na ba. Dadaan lang ako sa kwarto niya. Literal na check lang.
Wala kong balak kausapin siya...
Simula nung nakaraang gabi na iniwan niya ko sa kalsada, hindi na kami nag usap dalawa. Sineen lang din niya yung huling text ko. Huling beses na nakita ko siya eh yung gabi ding yun. Iniiwasan kong mag stay ng matagal sa labas dahil ayaw ko talaga siya makita. Ang siste ko mula kahapon, sa kwarto nag aalmusal, sa classroom nag tatanghalian, tapos sa kwarto ulit nag di-dinner. Bale kwarto at classroom lang pinupuntahan ko.
Sobrang sama parin ng loob ko dun sa ginawa niya. Sa sobrang inis ko sa ginawa niyang pag iwan sakin, maski si Harry na sumundo sakin nung gabing yun, di ko nagawang pansinin kahit ilang beses pa niya ko tinanong kung anong nangyare at kung ayos lang ba ako. I was just there, inside the car, ignoring him while crying.
Etong nagdaang mga araw, puro si Tanya lang kausap ko mapa personal man o chat sa messenger. Kinwento ko sa kanya yung mga nangyare. Mula dun sa bouquet hanggang sa pag iwan sakin sa kalsada. Atlis kahit papaano andyan si Tanya na napaglalabasan ko ng sama ng loob. Kung wala kong nakakausap tungkol sa bagay na 'to, nagkanda baliw baliw na naman ako mag isa.
Pag tigil ng elevator ay agad akong lumabas. Naglakad ako papunta dun sa kwartong may pulang pinto. Kakatok sana ko para tignan kung may sasagot o magbubukas, pero bago pa ko makakatok...
"Wala ata siya diyan," biglang may nagsalita sa likuran ko. Dahil sa gulat ay mabilis kong nilingon yung nagsalita.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...