36 - The One With The Double Date

78.1K 2.1K 8.5K
                                    


Chapter 36 - The One With The Double Date


Gamit ang likod ng kanang kamay ay pinunasan ko ang nagbabadyang luhang patulo sa mga mata ko. Ayokong tuluyan silang tumulo; ayoko ng umiyak dahil sa kanila, dahil sa kanya. Seeing Harper, a person I just formally met today, shaking her head while watching me make a complete fool out of myself in front of Thera and Philip made me realize how pathetic I am.


Kahit ano pang gawin namin ni Thera, in the end of the day, si Philip parin ang pipiliin niya. We may have the connection, but he got the assurance and the label. 


She'll never be yours. Yung foundation ng relasyon nilang dalawa, mula pagkabata. Ikaw, sumulpot lang na parang kabute sa buhay niya tapos nag i-expect ka na ikaw ang pipiliin niya? Na-icoconsider niya yung feelings mo kapag kaharap yung lalakeng yun?


Tatanga tanga ka kasi, Sky. Tanga!


Dirediretso ko lang tinahak ang daan papasok sa mansyon nang hindi pinapansin ang bawat nagtatakha at nag aalalang mga mata ng mga tao sa paligid na nakatitig sakin. I don't have intentions to answer whatever questions they have in their curious heads, I'll just let them wonder why Thera dragged me out of the mansion. 


Papaakyat na sana ko sa hagdan upang bumalik sa kwarto ko nang may maramdaman akong malamig na kamay na biglang humawak sa braso ko. Dahil dun ay mabilis kong nilingon kung sino man yun. 


There I saw AM and PM, together with Oreo. Mukhang kakagising lang nilang dalawa dahil parehas pa silang nakapang tulog na damit. Both of them have worried expressions on their faces, even Oreo's staring directly at me while wagging his tail. 


"Ate Sky, what happened?" bungad na tanong ni AM na siyang nakahawak sa kamay ko. Tuluyan ko silang hinarap na dalawa at dun lang din binitawan ni AM ang kamay ko. "We heard what ate Thera did. Bakit hinila ka niya palabas ng mansyon?" dagdag pang tanong ni AM.


Shit. Pati yung dalawang bata alam na. Though ineexpect ko narin naman na kakalat sa mansyon yung paghila sakin ni Thera papalabas. Kanina lang wala kong pake sa kanilang lahat, but seeing these two looking so worried made me think of the possible outcome of that scenario. I'm worried about what will be their conclusion of what just happened. Paano kung may makahula ng totoong nangyayare samin ni Thera? Paano kung...


Paano kung maapektuhan nun yung pag tatrabaho ko sa mansyon? 


"Why would ate Thera do that? Sabi pa nila parang maiiyak daw si ate Thera habang hila hila ka. What happened ate Sky? What's with you and ate Thera?" at kung hindi pa nga sapat yung pag aalalang nararamdaman ko, tinanong pa ni PM yan. 


Bahagyang napatingin si AM sa kakambal niya sabay balik ng tingin sakin. AM's throwing me a meaningful look. Of course, she knows the deal between me and her sister. Anong nalang mangyayare if malaman ng lahat? Lalo na si PM? Will he be supportive just like AM?


I doubt that. He's closed with Philip, unlike her sister who hates that doctor. If worse comes to worst, PM will hate me. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon