42 - The One With All The Chasing Pt. 2

78.8K 2.3K 7.7K
                                    


Chapter 42 - The One With All The Chasing Pt. 2


-Third Person's Point of View-


*beeeeeeeeeeep*


*hooooooooonk*


Kaliwa't kanan ang busina ng mga sasakyan na hindi makaalis sa kani-kanilang pinupwestuhan. Andyan rin ang pag tigil ng mga motorista at pagbaba sa sasakyan upang mas masaksihan ang mga kaganapan.


Isang motor ang mabilis na humaharurot ngayon sa kahabaan ng kalsada habang hinahabol ang isang kulay itim na kotse. Di kalayuaan sa eksena ay ang mga police mobile na malakas ang pag wangwang ng mga sirena at pilit ding humahabol sa itim na sasakyan, ngunit di tulad ng motor na madaling nakakalusot sa trapiko, nahihirapan ang mga police mobile.


Driving that motorcycle is Luna, continuously beeping its horn as an emergency signal.


Sa kabila ng bilis nang pagmamaneho ng dalaga ay naroon parin ang pag iingat at pag iwas niya sa mga maaaring masagasaan. Di tulad ng kulay itim na kotseng hinahabol niya. Dirediretso ito sa pag andar, halatang walang pakealam sa maaari nitong tamaan. Kaya naman ang bawat malalapitan nito, mapatao man o sasakyan ay patakbong umiiwas na nauuwi pa minsan sa disgrasya.


One car even bumped into another because of this black car that was trying to escape the authorities. This chase hasn't even lasted for hours yet it's already causing chaos and damage to innocent civilians.

"Putang---!" mura ni Luna nang iwasan niya ang isang delivery truck. Mabuti nalang at mabilis na napa preno ang malaking sasakyan at naiiwas ng dalaga ang motor. Sa kabila ng nangyare ay hindi tumigil si Luna sa pag andar. Ni hindi na nito nilingon ang truck kung saan siya kamuntikan mabangga.


She's so focused on chasing the black car. She's so determined to catch whoever is driving that vehicle to the point that this action she's currently doing is putting her job at stake due to all the damages and is putting her life in danger. She's acting out of impulse.


She didn't even bring the radio to get updates from the team. Nag dedesisyon na siya ng wala sa plano.


Tulad ng inaasahan, wala ng ibang dadaanan ang itim na kotse kung hindi ang kahabaan ng tulay. Di nag tagal ay nasaksihan ni Luna ang pag maniobra nito sa sasakyan, papaakyat sa tulay. Seeing that immediately made Luna smirk.


"Checkmate," she said with excitement building up on her chest.


Wala ng ibang dadaanan ang itim na sasakyan papalabas kung hindi ang dulo ng tulay, kung saan naka barricade ang kapulisan. One way in, there's no other way out...but jail.


It ends here, bastard. sa isip ng dalaga na noo'y patuloy parin sa paghabol sa kotse.


Kitang kita ni Luna ang pag zigzag ng itim na sasakyan upang iwasan ang iba pang sasakyan na noo'y nasa tulay. Ngunit di tulad kanina na sobrang tensyon ang nararamdaman ng dalaga, ngayon ay mas nakampante na siya na mahuhuli na ang nag mamaneho nitong sasakyan na malamang sa malamang ay ang siyang serial killer na matagal na nilang tinutugis.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon