21 - The One With The Red Smiling Insect

71.1K 2.1K 3.1K
                                    


Trigger warning: Sexual assault


-----------------


Chapter 21 - The One With The Red Insect



Prente akong nakaupo sa mahabang sofa dito sa bahay. Linggo na naman ng tanghali, off ko na naman, at wala akong magawa ngayong off ko kung hindi mag scroll scroll sa mga social media accounts ko at magbasa ng mga messages. 


Kanina ko pa hindi mabitawan yung phone. Sa totoo lang, hindi ko narin alam kung anong ginagawa ko. Halos di na nga nag sisink in sakin yung mga videos sa TikTok na pinapanood ko, pero yung daliri ko nagkukusang mag scroll. Wala na kong natapos panoorin ni maski isang video.


Habang nag che-check ng TikTok ay biglang tumunog yung messenger kaya agad kong chineck kung sino yung nag chat. 



Si Mykel...



Agad ko namang clinick yung chat niya para basahin.



Kasama ko si Aiko ngayon, papunta kaming dalawa sa palengke, mamimili ng pang hapunan. Miss ka na daw niya. Gustong gusto ka makita.



Kaagad gumuhit ang ngiti sa labi ko nang mabasa yung chat niya. Kahit papaano eh malapit ako sa nakababatang kapatid ni Mykel. Paminsan ay nakaka video call ko pa yung batang yun. Nung Friday lang, tinawagan niya ko na umiiyak. Tinatanong kung bakit daw kami nag hiwalay ng kuya niya. Sinabi ko nalang dun sa bata na kapag lumaki na siya, mas maiintindihan niya yung mga desisyon ng matatanda.



Nung Friday din umuwi si Mykel sa Probinsya nila para sundan ang kapatid at lola niya. Nung araw lang din na yun ko nalaman na biglaan niya silang pinagbakasyon. Ilang araw na din nakakalipas matapos yung ginawa niyang pag sugod sa mansyon ng lasing. Mga ilang araw nang mahimasmasan siya ay tinawagan niya ko't nakapag usap kaming dalawa.



Tulad nung nagpunta siya sa mansyon, puro pag hingi ng tawad ang ginawa niya. Pero sa mas maayos na paraan dahil nasa tamang katinuan siya nung tinawagan ako. Hindi parin namin lubos napag uusapan yung nangyareng hiwalayan. Andun yung feeling na ramdam kong nagkalamat sa pagitan namin, pero atlis, kahit papaano eh nakakapag usap na ulit kaming dalawa. 



Sabi ko nga, just because I broke up with him doesn't mean I no longer care for him. I still care for his welfare as he was my best friend before becoming my boyfriend. Now my ex-boyfriend.



Imbis na mag reply ay ni-heart react ko nalang yung chat bubble na galing sa kanya. Matapos nun ay muli na naman siyang nag tatype sa end niya. Hindi ko muna binack at hinintay siyang matapos mag type.



Sky, uuwi na kami bukas. Magiging busy na naman ako sa trabaho... 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon