35 - The One With The New Girl

84.5K 2.1K 7.7K
                                    

Note: Apologies for the late update. I had to make some changes crucial to the plot on this chapter and the one after this. Hope you'd love and hate Harper! Thank you!


------------------------------


Harper Hannah Russell 

Harper Hannah Russell 

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


------------------------------


-Third Person's Point Of View-


"Give me an update," bungad ni Luna na kakarating lang sa crime scene, kay Mykel na agad sumalubong sa kanya.


"Hindi pa namin nakukuha yung eksaktong bilang ng mga biktima. Marami kasing putol na parte ng katawan na di tugma sa bilang ng ulo na nandun sa mismong lugar kung saan nakatumpok silang lahat." pag bibigay na impormasyon ni Mykel habang sabay nilang tinatahak ni Luna ang daan papalapit sa lugar kung saan naroon ang tinutukoy nitong 'nakatumpok na katawan'


Kasalukuyang nasa malaking abandonadong building ang dalawa. Sa loob ay naroon ang ilan pang alagad ng batas; sa labas naman ay madidinig mo ang sunod sunod na pagdating ng iba pang pulis, tunog ng paparating na ambulansya sakaling may biktimang maari pang iligtas, pati narin ang pag dagsa ng iba't ibang media outlets. An early chaos; it's just 5am in the morning. 


"We're still searching the area for some other victims, but for now, ang kumpirmadong bilang palang na meron tayo sa data ay 14." dagdag pang pagbibigay ng report. 


Natigilan si Luna sa paglalakad at di makapaniwalang tumitig sa kausap. But she didn't say a word. She just closed her eyes as if she were trying to maintain her composure.


14? And we're still counting?! sa isip ng dalaga. 


Muling naglakad si Luna. Sa likod niya ay nakasunod si Mykel hanggang sa marating nila ang mismong lugar kung saan naroon ang mga bangkay. Agad nakatanggap ng pagbati si Luna sa mga kasamahan nila sa serbisyo, pero hindi niya pinansin ang mga ito. 


Inangat ng dalaga ang yellow tape na siyang nakaharang sa crime scene, ngunit bago pa siya tuluyang makalusot dito ay natigilan siya. Tila ba nabuhusan siya ng malamig na yelo sa naging reaksyon. Sa ilang taong ginugol niya sa serbisyo, ngayon pa lamang siya nakakita ng ganito. She thought she had seen it all, she was wrong. 


May kutob na si Luna na ang susunod na krimen ng Moonlight Lilac ay mas brutal pa sa mga nakaraan niyang pagpatay. Because that's how that killer works; always outdoing their previous killings. But this...this is beyond her expectations. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon