38 - The One Where They Acted Like One

83.4K 2K 9.4K
                                    


Chapter 38 - The One Where They Acted Like One


Itinulak ko ang pinto ng convenient store papabukas gamit ang kanang paa ko, hindi ko kasi mabuksan gamit ang kamay dahil may yakap yakap akong apat na 1.5L na bottled water. Bukod pa dun ay may bitbit akong isang plastic na puno ng dalawang malalaking tsitsirya at iba't ibang klase ng chocolate at kung ano ano pang matatamis na pagkain.


Nang tuluyang makalabas ng convenient store ay natanaw ko mula sa kinatatayuan ko ang sasakyan namin. Nag i-istand out yung Rezvani tank sa may gasoline station na maski yung ibang mga nasa lugar na 'to ay di mapigilang mapatingin dun. 


Bukod pa sa kotse ay di rin nila mapigilang mapatingin sa babaeng hawak hawak ang hose ng fuel na noo'y nilalamanan ang tank ng Rezvani. I couldn't help myself but smile as I watch her do her thing unbothered by the people whose eyes are stealing glances at her. Ang taong siyang nagpabili sakin ng lahat ng dala dala ko ngayon. 


At bago pa ko tuluyang mag mukhang tangang nakatitig at pangiti ngiti dito ay nag simula na kong maglakad papalapit sa kanya. Slowly, she looked at me. She didn't smile, she didn't even nod her head. She reached for the sunglass she was wearing, lifted it a little as if her only intention was to show me her eyes, and then she put it back down. Pagkatapos nun ay ibinalik niya ang focus sa ginagasolinahan niya. Wala lang, parang pinakita niya lang sakin na yung mga mata niya at parang sinasabing 'I see you'.


Hahahaha cute.


Nang tuluyan akong makalapit ay hinila na niya yung hose papalabas sa tank, tuluyang tinanggal yun at ibinalik sa pinagkuhaan niya. 


"Okay na?" I asked. 


"Yes." she answered. "What took you so long?" dagdag na tanong niya. 


"Wala kasi silang panukli." dahilan ko, which is totoo naman. 1,297 kasi total price ng lahat ng pinamili ko, tapos 2k yung binayad ko. Tinatanong ni ate kung meron daw ba kong tres, eh wala kong tres. Pero sampaloc na Frutos meron ako sa bulsa. Buti nga di ko sinabi kay ate kung pwedeng kendi nalang yung tres. Diba ganon pag nanunukli yung ibang store? Dapat pwede din yun pag mag babayad. 


O kaya shell. Charot.


"They should close the store." sabi niya habang sinasara yung cap ng fuel tank. Pagkatapos nun ay lumapit siya sakin at kinuha ang ilan sa mga buhat buhat ko. 


"Grabe ka naman. Wala lang panukli, isasara agad?" tanong ko habang sinusundan ko siyang maglakad. Umikot siya papunta dun sa pinto ng passenger seat

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon