23 - The One Where They're Not Friends

81.7K 2.2K 2.9K
                                    



Chapter 23 - The One Where They're Not Friends



-Third Person's Point Of View-



(5:00 AM)


Tahimik na pinagmamasdan ni Luna ang mga litratong nakapatong sa desk sa loob ng opisina niya. Halos hindi parin makapaniwala ang dalaga sa mga litratong nasa harapan niya ngayon. Ang mga litratong ito ay ang mga crime scene photos sa pinakabagong biktima ng Moonlight Lilac.


Kung hindi mo alam ang buong nangyare, sa unang tingin sa mga litrato, iisipin mong kuha ito ng giniling na baboy. But no, it's not pork, but rather minced human meat. Ang giniling na katawan ng isang lalakeng nag ngangalang Alberto Fernandez ang natagpuan sa isang plaza kahapon. Nakapatong ang durog na laman nito sa isang matigas na kulay brown na karton at sa mismong giniling na laman ng biktima ay naroon ang pinutol putol na petals ng lilac. 


Ang tanging buo lamang sa parte ng katawan ng biktima ay ang ulo nito na tinabi sa giniling na katawan. Walang awa itong pinatay. Napakahirap isipin na may isang taong kayang gumawa ng ganitong karumaldumal na krimen. Kung ang mga iilang pulis nga na sanay makakita ng patay na katawan ng tao ay halos bumaliktad ang sikmura nang makita ang kondisyon ng biktima. Kaya naman ang hirap paniwalaan na may isang taong kayang gumiling sa katawan ng kapwa niyang tao.



A demon indeed.



Ngunit ang palaisipan kay Luna, bukod sa itsura ng bangkay, ay ang mismong record ng biktima. Hindi tulad ng mga nakaraang biktima ng Moonlight Lilac na puro may mga criminal records na may kinalaman sa sexual assault or rape, ang biktimang ito ay wala. Ayon sa nalakap nilang impormasyon, kamakailan lamang nang makalabas sa rehab si Alberto dahil sa pagkalulong nito sa masamang gamot. 


Nagtanong tanong din sila sa mga kakilala ng biktima. Ayon sa iilan, may pagkabastos nga minsan si Alberto at maraming nagrereklamo sa kanya dahil sa mala manyak niyang pagtingin sa mga babae. Pero wala naman itong natalang criminal record na may kinalaman sa sexual misconduct.


Kaya naman hindi parin mawala sa isip ni Luna kung anong dahilan at napag initan ito ng serial killer. At kung ang dahilan ng killer na ito ay ang pagiging manyakis ni Alberto sa paraan nang pagtingin...paano ito nalaman ng killer kung wala namang written record ang biktima? 


Hindi rin mawala sa isip ni Luna ang posibilidad na ibang tao ang gumawa nito at hindi ang Moonlight Lilac. Bukod kasi sa ibang iba ang paraan nang pagpatay at motibo, di tulad dati, wala rin silang natanggap na email mula sa anonymous sender na madalas nagpapadala ng email kapag may bagong biktima ang killer na ito. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon