29 - The One With The Province Vacay Pt. 1

63.7K 1.8K 5.7K
                                    



Chapter 29 - The One With Province Vacay Pt. 1


Matapos ang limang oras at kalahati na biyahe, sa wakas ay nakarating na kami sa paroroonan. Nasa balwarte na kami ng pamilya ko. Time check, 1:35 AM. Sana lang talaga at may gising pa kaming kamag anak na sasalubong samin.


"Oh my gooooooodd! Ang lamiiiiiiiiiggg," bungad ni Riley pagkalabas niya ng sasakyan. Partida siya nakaupo sa dulong upuan pero siya naunang lumabas saming lahat. Tapos ang taas taas agad ng energy kahit halos kakagising lang mga 30 minutes ago. "Grabeng bango ng hangin ng probinsya." dagdag pa niya kasunod nang pagkalalim lalim na exhale. 


"Uyy Riley, tumulong ka sa mga gamit. Wag ka puro singhot diyan. Mapagkamalan kang adik." puna sa kanya ng nanay ko na nakababa narin pero doon naka focus sa phone niya. Mukhang may ka-chat. 


Sunod sunod narin kaming nagsibabaan mula sa loob ng kotse. Naunang bumaba si Thera at nakaalalay ako sa likod niya. Nakatingin naman samin si Luna, "Dahan dahan." alalay na sabi pa nito sabay hikab. Halos lahat kami bagong gising. 


Nang lahat ay makababa na, agad dumiretso si Mykel sa likod ng van, kasama si kuya Adel para ilabas yung mga gamit mula sa compartment. Gusto ko din sana tumulong, pero wag nalang, tinatamad ako.


"Thera, sayo 'tong pink na maleta no?" tanong ni Luna na siyang naglabas sa pink na maleta mula sa loob ng kotse. Parang wala pa sa sariling tumango yung katabi ko sabay naghikab. Maluha luha pa ang mata.


Ang cuteeeee!!!! Bagong gising.


Nang makalapit si Luna na dala yung maleta ay akmang kukunin yun ni Thera sa kanya, "Hindi sige, okay lang. Ako na magdala. Mahirapan ka pa kasi naka heels ka." pero di binigay ni Luna at nag volunteer na siya na ang kumarga nun. Awtomatikong napakunot ang noo ko. 


Bakit ba kasi napaka gentlewoman nitong si Luna sa lahat?


"No, it's fine. I'll carry it." Thera insisted.


"Sure ka?" 


"Yes. I got it." pag assure niya kay Luna, kaya naman di na ito nakipagtalo at inabot yung pink na maleta kay Thera. 


"Andun daw yung mga susundo satin sa may arko. Malapit lang yun dito. Ano lakarin nalang ba natin o hahatid pa tayo ng kotse? Mga 3-5 minutes walk lang." pagkuha ni mother sa atensyon naming lahat. Agad akong napatingin sa kalsada na medyo malubak. Bukod sa madilim ang daan, hindi rin maganda ang kalsada sa parteng 'to. 


Sabi nga ni Luna, naka heels si Thera, tapos may maleta pa. Baka mahirapan siyang maglakad.


"Game sa lakad tita. Para magising ng tuluyan." suggestion ni Riley na nag iistretching na.


"Okay lang sakin." si Luna naman.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon