22 - The One Where She Indirectly Confessed

88.4K 3K 5.8K
                                    


Gummy bear :))

------


Chapter 22 - The One Where She Indirectly Confessed



-Third Person's Point of View-



Dahan dahang nagmulat ng mata ang isang lalakeng nakaupo sa isang upuan na gawa sa kahoy. Pagkabukas na pagkabukas ng kanyang mga mata ay agad niyang napansin ang kwarto kung saan siya naroon. Mukha itong isang abandonadong warehouse. Hindi ito pamilyar sa kanya.


Madilim sa paligid. Ang tanging nagbibigay ng liwanag sa loob ng kwarto ay ang isang patay sinding bumbilya na nakasabit sa kisame sa tuktok ng ulo niya. Dahil sa hina ng ilaw ng bumbilya, hindi nito sakop ang buong kwarto, kaya naman may parte sa loob ng warehouse na tanging malabong anino lamang ng mga gamit ang makikita mo. 



The room is dark; the air is chilling, the silence is deafening, and the whole place is eerie.



Agad bumalot ang labis na takot sa buong pagkatao ng lalakeng ito nang may marinig siyang pag galaw na nanggagaling sa bahagi ng warehouse na pagkadilim dilim.



"S-sino yan?" mautal utal na tanong niya dahil sa kaba. "S-sinong nandyan?!" dagdag pang katanungan niya. Akmang tatayo ang lalake ngunit tila ba binuhusan ng malamig na yelo ang buong katawan niya nang mapagtantong hindi siya makagalaw. 



That's when he realized that his feet and arms were tightly bound to the wooden chair. There's no way for him to move unless he knocks himself down with the chair.



Pilit siyang nagpumiglas, nagbabakasakaling makalas ang lubid na nakatali sa kanya. Habang pilit kumakawala ay naramdaman niya ang pananakit ng iba't ibang bahagi ng katawan. Mula ulo hanggang paa. Sakit na tila ba may nangbugbog sa kanya. Pilit na niyang inalala kung anong nangyare bago siya gumising sa lugar na ito.



Naglalakad siya sa madilim na kalsada, papauwi sa inuupahan niyang apartment nang bigla siyang ilawan ng isang kotse. Doon lamang din niya naalala ang dirediretsong pag abante ng sasakyang iyon papalapit sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo ngunit sa paraan ng pag andar ng sasakyan ay halatang may plano itong banggain siya.



That's the last thing he remembers before waking up in this place. He was hit by the car; that's why his body aches like hell.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon