Chapter 30 - The One With The Province Vacay Pt. 2
Handa na lahat para sa kasal. Wala ng isang oras bago mag alas dose ng tanghali; ikakasal na si Julie sa boyfriend niyang kagawad nitong baranggay. Bahagya kong inayos ang laylayan ng suot kong puting maxi dress. Nagpakawala muna ko ng isang malalim na buntong hininga bago kumatok sa pinto.
"Julie..." tawag ko sa pinsan ko.
"Pasok!" dinig kong sigaw niya mula sa loob ng kwarto.
Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumungad sakin si Julie kasama ang make up artist niya. She's sitting on a make-up chair in front of a mirror, wearing her beautiful white wedding dress. I couldn't help myself from smiling, seeing her all ready for her big day. God! We're grown-ups. Parang kailangan lang nag aaway pa kaming dalawa kung sinong taya sa tagutaguan maliwanag ang buwan, tapos ngayon ikakasal na siya.
Agad bumakas ang saya sa mukha ng pinsan ko nang makita niya ko, "Sky!" she called my name in delight.
Tinanguan niya yung make up artist para iwan kaming dalawa. Ako kasi ang siyang tatayong maid of honor sa kasal niya ngayon. Bagay na kaninang pag gising ko lang nalaman. May emergency kasing nangyare dun sa bestfriend ni Julie na siya sanang maid of honor sa kasal. Unfortunately, di makaka attend yung original maid of honor dahil may emergency daw sa family. Kaya ayun, bigla nila kong vinolunteer. Napagdesisyunan nilang ako nalang daw pumalit habang mahimbing pa ang tulog ko.
Tapos pag gising ko kinongratulate na ko ng mga kamag anak ko kasi ako na daw ang maid of honor. Mga paladesisyun sa buhay.
"Upo ka dito." sabi ni Julie na tinapik yung upuang kaninang pinupwestuhan ng make up artist niya. Bago ko tuluyang umupo ay nagyakap muna kaming dalawa. "Nakaalis na sila?" tanong pa niya nang bumitaw sa yakap ko.
"Oo, nauna na silang lahat dun. Hinihintay na tayo nung driver sa labas." sagot ko sa kanya. Bago muling magsalita ay inabot ko ang kamay ng pinsan ko, "Ready ka na ba?" I asked.
Kaming dalawa nalang ang nandito sa bahay. Lahat ng kamag anak namin, pati narin yung iba pang bisita ay nandun na sa simbahan na walking distance lang din naman dito. Pero syempre, ang korni naman kung ipag aalay lakad namin 'tong si Julie hanggang simbahan. Kaya ayun, may driver na maghahatid saming dalawa para feel na feel yung kasal.
"Ready na ready na." puno ng excitement at kaba ang mga mata niya. "Ikaw ba? Ready ka ng maglakad din sa harap ng lahat mamaya?" balik na tanong niya sakin.
Dahan dahang nawala ang ngiti sa labi ko nang marealize kong maglalakad nga din pala ko sa kahabahaan ng aisle. Ako pala maglelead ng pagpasok ni Julie sa church.
What the fuck! Hindi ako handa! Wala sa plano ko maglakad sa aisle bago ko pumunta dito. Mamaya ako pa makasira ng kasal.
Biglang humagikhik si Julie habang nakatitig sakin. Napansin siguro niya yung kaba na bumalot sa mukha ko dahil sa tanong niya, "Wala ka parin talagang pinagbabago, Sky." matawa tawang sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...