Warning: This chapter consists of heavy emotions focusing on death and mourning due to an irreparable loss. Some scenes may trigger agony and sorrow in some readers. Please read at your own discretion. Thank you!
****
Chapter 55 - The One With The Heaviest Tears
-Third Person's Point Of View-
"James!" pag tawag ng atensyon ng dalagang si Luna na noo'y kababa lang mula sa police mobile, sa katrabaho nitong si James.
Si James na isang forensic examiner na siyang isa sa mga unang dumating sa crime scene.
"D-detective," mautal utal na tawag ng binata kay Luna na papalapit sa kanya. Sa likod nito ay nakasunod si Mykel na kasabay nitong dumating.
Bakas ang takot na may kahalong lungkot at simpatya sa mukha ni James habang nakatitig sa dalawang taong papalapit sa kanya. Dalawang taong parehas may hindi maipaliwanag na ekspresyon ang mukha.
But Luna...
Even though she looks tough, she cannot hide the intense fear and anxiousness on her face.
"James, ikaw..." muling tawag ni Luna sa katrabahong nakatitig lamang sa kanya. Kasunod ng pag tawag na iyon ay ang pag hila niya sa magkabilang kwelyo ng suot nitong damit.
"Luna!" sigaw ni Mykel nang kwelyuhan ni Luna si James. Ngunit hindi pumalag si James. Nanatili lang itong nakatitig kay Luna. Kita parin ang awa, gayon din ang nagbabadyang luha sa mga mata ng binata.
"Luna, please," pakiusap ni Mykel na hinawakan na ang dalaga sa balikat. Ngunit tila hindi siya nito naririnig. Diretsong nakatitig si Luna sa mga mata ni James.
"D-detective---"
"Ginagago mo ba ko, James? Ha, James?!"
"Luna, kumalma ka---"
"Bitawan mo ko, Mykel!" sigaw ni Luna kay Mykel kasabay ng pag hampas sa kamay nito. Muli niyang ibinalik ang atensyon kay James. "James! Anong pinagsasabi mo sa text kanina? Gago ka ba, James? Anong klaseng biro yun?! Tangina---James! Mag salita ka!" sigaw ni Luna dito habang mas humihigpit ang hawak sa kwelyo.
"Detective, s-sorry..." pag hingi nito ng tawad kasabay ng pag yuko dahil hindi na nito magawang tignan sa mata ang dalaga.
![](https://img.wattpad.com/cover/327200598-288-k516284.jpg)
BINABASA MO ANG
The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)
RomanceDisclaimer: This story is written in Taglish. Another disclaimer: It's bloody, wordy, and GAY. (Alexa, play Don't blame me by Taylor Swift) ---------------- For love, would you play the role of the hero or the villain? Killings have been happening...