26 - The One With All The Jealousy

74.4K 2.1K 2.9K
                                    


Chapter 26 - The One With All The Jealousy


Habang nagtatali ng buhok sa harap ng salamin, sumasabay ako sa beat ng kanta ni Cardi B na Money. I'm preparing for my 10 am class with my favorite students na hindi na mga menor de edad. 3 days ago, natungtong na nilang dalawa ang legal age. 


"I was born to flex, Diamonds on my neck. I like boardin' jets, I like mornin' sex. But nothing in this world that I like more than checks, All I really wanna see is the, money! I don't really need the D, I need the money!" pagsabay ko sa lyrics nung kanta na may pag hawak pa sa suklay na ginamit ko pantali ng buhok, kunware eh mic. 


Minsan ang sarap din mag perform sa harap ng salamin pag ikaw lang mag isa.


"I got bands in the coupe, coupe. Bustin' out the roof! I got bands in the coupe, coupe. Touch me, I'll shoot. Shake a little ass. You get a little bag and take it to the sto---" natigil ako sa pagcoconcert sa harap ng salamin nang makita ko yung repleksyon nung nilalang na nakaupo sa kama ko. Parang ang sama ng tingin sakin.


Lagi nalang ganyan yan. Parang hinuhusgahan ako ng mga mata niya. "Anong tinitingin tingin mo diyan bibe ka?" tanong ko kay Psyduck.


Yan yung Psyduck na nakuha namin sa EK. Binigay sakin ni Thera. Sabi niya akin daw yan, alagaan ko daw. Meron na daw kasi siyang Psyduck sa kwarto niya, di daw okay pag dalawa. Yung paraan pa nang pagkakasabi niya nun, akala mo naman mag seselos yung Psyduck sa kwarto niya pag nag uwi siya ng ibang Psyduck.


Nilapitan ko yung nanahimik na stuffed toy na katabi kong matulog parati simula nung gabing umuwi kami galing amusement park. Naupo ako sa tabi nun saka pinisat yung nguso. Nakakapang gigil yung mukha ni Psyduck, parang laging lutang. 


"Buti ka pa favorite tapos lab na lab. Lutang ka naman." sabi ko dun sa walang kamalay malay na laruan. "Ano di ka sasagot? Tutulala ka lang diyan?" 


Napapikit ako nang marealize ko yung katangahang ginagawa ko. Gutom lang 'to kasi di pa ko nag aalmusal. 


Binuhat ko si Psyduck saka siya niyakap nang mahigpit. Ibong dilaw.


Natigil ako sa pagyakap dun sa stuffed toy nang biglang tumigil sa pagkanta si Cardi B dahil may tumatawag sa phone ko. Agad kong binaba si Psyduck at lumapit sa phone kong nakapatong sa gilid ng dresser. Si mama yung tumatawag sa messenger. Alas otso ng umaga? Gising na nanay ko? Himala. 


Pinindot ko yung answer button ng video call request niya at agad bumungad sakin si mama na sobrang lapit ng mukha sa camera. Para siyang maliit na batang yung parte ng mukha na mula ilong pataas sa noo lang makikita mo. 


"Nak!" bungad niya. Mukhang gising na gising ah.


"Ma, aga ng tawag mo ah. Aga mo naman nagising." pagkasabi ko nun ay nilayo ni mama yung camera at isinandal yung phone niya sa kung ano mang nakapatong sa lamesa. Sa wakas eh nakikita ko na siya ng buo. 

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon