𝑺𝒑𝒆𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓: 𝑭𝒊𝒓𝒔𝒕 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒉 𝑶𝒇 𝑨 𝑳𝒊𝒇𝒆𝒕𝒊𝒎𝒆

53.1K 2.2K 7.9K
                                    


Special Chapter: First Month Of A Lifetime



-Skylar's Point Of View-


(3 weeks after the wedding)


"Booking for two under the name of Mrs. Skylar Millie Arentsvelt?"


Ngumiti ako kay ateng nasa front desk matapos ng tanong niyang yun. "Yes po." sagot ko habang pilit na kinakalma yung sarili ko dahil nagrarambolan na naman yung mga insekto sa loob ng tiyan ko.


Jusmiyo! Tatlong Linggo ko ng dala 'tong apelyidong 'to, pero hanggang ngayon hindi parin ako sanay. Iba parin yung dulot na kilig tuwig may tumatawag sakin na Mrs. Arentsvelt. Nagmumukha na naman akong mayabang niyan!


Next time ipapa-name plate ko pa, with phone number ni Thera sa likod. Pokemon yung design o kaya yung mga cropped na mukha ni Thera.


Luh si baliw nag paangkin ng husto.


"Ma'am?" Tawag sakin ni ate.


"Yes?" Nakangiting tugon ko. Kunwari hindi ko kausap yung sarili ko sa loob ng isip ko dahil sa kilig.


"I-assist nalang po kayo papunta sa cabin 14." Sagot ni ate. Kasabay nun ay ang paglapit ng isang binata na may hawak na dalawang kulay Pink na towel.


"This way po, ma'am." Sabi ni kuya na nilahad ang kamay papalabas sa maliit na kubo na siyang nag sisilbing front desk nitong camp site. I nodded my head and followed him.


Finally, the long awaited bond with nature!


Kasalakuyan kaming nasa isang camp site sa Sierra Madre. Nauna kaming umuwi ni Thera sa Pinas at iniwan yung iba sa Spain kung saan kami kinasal. Next week pa ang uwi nila, pero eto kami't nagawi na sa may Sierra Madre. This is Thera's special request. She requested to the first week of our honeymoon celebrated here. Sabi niya, gusto niya lumanghap ng sariwang hangin.


Nung sinabi niya yun, suggestion ko mag hot air balloon kami. Aba't sinabihan ba naman ako ng siraulo, kailan daw ba ako magseseryoso? Sabi niya kasi sariwang hangin eh! Edi yun naisip ko. Ang romantic pa naman sa isip ko. Ngingiti ngiti pa ko nung sinuggest ko yun, tapos sinungitan lang ako. She said...


"How are we going to spend our honeymoon on a hot air balloon?"

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon