9 - The One With Old Songs

51.1K 1.6K 1.5K
                                    

Play video during the car scene para mas feel :))

***

Chapter 9 - The One With Old Songs


Inisa isa ko yung mga susi na nakasabit sa hawak hawak kong lanyard para hanapin kung saan ba dun ang susi ng gate namin sa bahay. Meron kasing walong susi sa lanyard at ang tagal na rin nung huli kong buksan 'tong gate. Madalas kasi, pag umuuwi ako, mag dodoor bell lang ako at si mama ang magbubukas.


Pero dahil alas singko palang ng madaling araw at kulay blue pa ang langit, ayoko namang mag doorbell at bulabugin ang tulog ng nanay ko. Mabuti nalang at meron akong duplicate key ng gate.


Sa wakas ay bumukas narin yun matapos kong subukan yung pang apat na susi. Dahan dahan akong pumasok sa loob at dahan dahan ko ring sinara ang gate. Ingat na ingat na di makagawa ng tunog.


Nang maglakad ako papasok ay saglit akong natigilan at napapikit. Bigla kasi kong nakaramdam ng vertigo. Paano, di naman ako natulog. Hinintay ko lang talaga mag umaga para makauwi.


Sa madaling salita, kahapon pa ko ng Biyernes ng umaga gising. Nakakahilo. Bukod kasi dun sa lessons namin nung kambal, ang daming bagay pa ang pinagdaanan ko kahapon sa kamay ng napaka bait kong amo.


Yesterday was a very long day. Imbis na pahinga ko nalang sana, napagtripan pa ko ng boss ko. Pero kung iisipin, okay din para sakin yung mga nangyare kahapon. Atlis, kahit paano, unti unti ko ng mas nakikilala yung taong pinaka kinaiilangan ko sa mansyon.


The thought of everything that happened yesterday made me smile. Kahit pa sineen lang niya yung huling chat ko na pinapatawad ko na siya, atlis alam ko sa sarili ko na okay na kami.


Nang makabawi mula sa pagkakahilo ay muli akong naglakad hanggang sa marating ko yung pinto ng bahay. This time, di ko na inisa isa yung mga susi kasi pamilyar sakin yung itsura ng susi ng pintuan na 'to.


Tulad nung sa gate kanina, dahan dahan ko din binuksan at isinara yung pinto. Madilim pa sa loob ng bahay. Patay lahat ng ilaw. Ganyan talaga pag tulog mga tao dito para tipid kuryente. Ang tanging nag sisilbing ilaw lang ay yung kakaunting liwanag na galing sa labas. Kulay ng madaling araw.


Kahit pa patay ang mga ilaw ay naaninag ko pa din ang dinadaanan ko kahit papaano. Tinahak ko ang daan papalapit sa hagdan para makaakyat na sa kwarto. Nakakadalawang hakbang palang ako sa hagdan ng matigilan ako dahil may biglang...




"Hoy, bakit ngayon ka lang?"


"AY GAGO!!!!"



...Nagsalita mula sa likuran ko dahilan para mapapitlag ako sa gulat at mapamura.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon