18 - The One With Hera

80.8K 2.2K 2.6K
                                    


Rezvani Tank in the picture above.


--------


Chapter 18 - The One With Hera


Dr. Philip Ian Chase, the family's personal doctor na kasalukuyang nasa US ayun kay AM. Kwento pa niya, isa sa mga pinakamalaking share holder sa company nila ang pamilya ni Dr. Philip. Kahit pa pinili nitong mag doctor imbis na kumuha ng degree na may kinalaman sa pagpapatakbo ng malaking kumpanya, siya parin daw ang taga pagmana ng negosyo nila. Just like Thera, he was born to be a CEO whether he likes it or not.


And he is Thera's fiancé.


They're engaged and bound to be married soon. Ayun pa dun sa bata, kailangan daw nila magpakasal bago tumungtong sa edad na 30 si Dr. Philip. Oras na maging 30 years old na daw kasi yun, pormal na siyang papangalanan bilang tagapagmana ng kumpanya nila. Muling tumakbo sa isip ko yung sinabi ni AM kanina bago ako lumabas sa kwarto niya...


"He's 29 years old at di pa siya nagbibirthday ngayong taon. Sa madaling salita, pag uwi niya baka ayusin na yung kasal nila. Nakakainis! You're my only hope, ate Sky. I hate that man so much."


They're probably getting married this year once he returns from US. Hindi pa nga gaanong nag sisink-in sakin yung impormasyon na engaged pala si Thera, idagdag mo pa yung sinabi ni AM na panigurado ngayong taon sila ikakasal. I know that's none of my business but...


I can't take my mind off it. It feels like I've learned a piece of bad news that drained all the remaining energy I have left in my body. I can't feel my head, I can't feel my heart, I can't feel my feet and hands; I don't even know how I am walking right now. I feel numb.


Habang naglalakad sa mahabang pasilyo papunta sa kusina para iwan 'tong hawak kong baso na wala ng laman, isa isa kong inalala lahat ng mga pinakamasasakit na pangyayare sa buhay ko. Nagbabakasakaling makatulong yun para maintindihan ko yung nararamdaman ko ngayon.


The night I saw my mother and father fighting, the same night my father raised his hand on my mom, all I felt that night was rage and disappointment. The day my father passed away, I felt like dying that time because of the amount of pain I had to endure. Not just pain; I was so scared staring at his lifeless face.


I consider those events as the most painful happenings in my life. But I've experienced a lot of pain, rejection, and fear in my 27 years of existence. But this time...this is the only time I've felt numb. It feels like somebody threw me into the void where there's nothing I can do but suffer without uttering a single word.


I heaved a deep sigh and shook my head; I need to get back to my senses. I need to return to my reality. I should stop torturing myself.


Kahit pa hinang hina ang pakiramdam ng mga tuhod ko, pinilit ko paring pumunta sa kusina. Iiwan ko lang 'tong basong dala ko at pag tapos, didiretso na ko sa kwarto para matulog nalang ulit. Wala na kong sapat na lakas para pahabain pa 'tong araw na 'to. Masyado ng maraming nangyare ngayong Linggo. Itong araw na 'to, parang buong week na pagod ang dulot sakin.


Wala ng ganong tao sa paligid. Napatagal din ang pagkwekwentuhan namin ni AM sa kwarto niya at di ko namalayang mag aalas dose na ng gabi. Napaka bilis ng oras. Kakaunting ilaw nalang din ang nakabukas sa mansyon kaya dim na ang paligid. Mas nakakapagod tuloy sa pakiramdam.

The Moonlight Lilac (UNDER MAJOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon