SERENITY ARYA APOSTOL
"Bakit naman ngayon ka pa nalate? Alam mo namang ayaw na ayaw ni Prof. Salvatore ang mga estudyanteng pumapasok ng late sa klase n'ya. Naalala mo ba yung 4th year last year? Yung umiyak kase hindi n'ya pinapasok during final exam?"
Nilingon ko ang katabi kong si Shagie na kanina pa bulong ng bulong. First day kase ng klase at nalate ako dahil sobrang bagal talaga ng usad ng trapiko. Siksikan pa sa jeep.
"H'wag kang masyadong maingay baka mahuli tayo."
"Stop murmuring!"
Umayos ako ng upo ng makitang sa akin tumama ang tingin ng Professor namin. Kahit blankong tingin basta galing talaga sa kan'ya panginginigan ka nalang bigla ng tuhod.
This is the first time na naging professor namin s'ya. But I already know her since last year kung saan bago palang s'ya dito. Halos madalas kase s'yang usap usapan ng mga studyante. Bukod kase sa maganda s'ya ay nakakatakot rin umano ito sa tuwing nasa loob ng classroom.
Her blank face na natural na naming nakikita tuwing nakakasalubong namin s'ya sa loob ng campus ay nagbibigay ng ibang pakiramdam kapag nasa classroom s'ya. S'ya yung tipo ng professor na tingin palang feeling mo babagsak ka na.
Hindi naman s'ya iyong katulad ng mga gurang na professor na nakakatakot. Sa totoo lang ay maganda nga s'ya. She has a long black hair na kung hindi nakapony tail ay nakalugay naman. Sakto lang ang laki ng mukha n'ya na bumagay sa matangos n'yang ilong, itim na itim na mga mata, at maninipis na kulay rosas na mga labi. What makes her look strict and intimidating is that how she stare at people and how she stands. Kapag nakasalubong mo s'ya parang mapapatabi ka nalang talaga. Her aura screams power and authority. Grabe, luluharan talaga.
"Stop staring and introduce yourself."
Napabalik ako sa sarili ko ng magsalita ang Professor namin. Ngayon ko lang napansin na sa'kin na pala silang lahat nakatingin. Hindi ko man lang namalayan na ako na pala ang magpapakilala dahil nalibang ako kakatitig sa mukha n'ya. Kasalanan n'ya 'to.
"Good morning, Prof. Salvatore, classmates," bati ko sa kanila ng makatayo ako. "I'm Serenity Arya Apostol but you can call me Arya for short. I'm twenty years of age and--"
"We're not interested about your other personal information. Proceed to your subject expectations," pagpuputol nito sa sasabihin ko. Napayuko naman ako dahil don. Nakakahiya kase.
"Um.. I am expecting that through this subject our criticism skills will be enhanced." Mabilis na sagot ko at agad na naupo. Hindi ko na tiningnan si Prof. Salvatore o kahit sino man sa mga kaklase ko dahil nararamdaman ko pa rin ang pagkakapahiya sa nangyari kanina.
I know it's not big deal pero kase napahiya talaga ako. Lalo na sa kan'ya.
Hindi ko magawang salubongin ang tingin n'ya habang nagtuturo s'ya sa harapan. Nakikinig naman ako sa mga sinasabi n'ya pero tuwing dadako sa parte namin ang tingin n'ya ay iniiwas ko ang paningin ko. Naaalala ko kase ang pagkakapahiya ko kanina tuwing magkasalubong ang mga tingin namin.
Sabay kaming nagtungo ni Shagie sa cafeteria matapos ang klase namin. May kalahating oras pa kami para sa susunod naming klase.
"Parang hindi ko ata matatagalan ang buong semester na s'ya ang Professor natin. Feeling ko anytime magcocolapse ako lalo na kapag magtatanong s'ya tungkol sa mga tinuturo n'ya!"
Pinanuod ko kung paano magreklamo ang kaharap ko ngayon na si Shagie tungkol kay Prof. Salvatore. Kahit ako naman ay kinakabahan din kapag s'ya ang Professor namin. Kahit na dati pa man ay rinig na namin sa mga bali-balita dito sa school kung gaanu s'ya kaistrikto pagdating sa klase ay iba pa rin talaga kapag kaharap mo na mismo s'ya.
Kanina habang nagtuturo s'ya ay may napansin s'yang dalawang nag uusap at hindi nakikinig. Ang ginawa n'ya ay tinanong n'ya kung alam na ba ng dalawa ang tinuturo n'ya. Kaso hindi nakasagot ang dalawa. Kaya ang ginawa ni Prof ay binigyan n'ya ng special assignment ang dalawa. Kailangan nilang magpasa ng reflectiom paper tungkol sa mga tinuro ni Prof kanina at kailangan nilang mapasa 'yon bukas. Kung hindi nila magagawa ay hindi sila makakapasok sa subject n'ya bukas. Grabe talaga.
"Kanina nga akala ko hindi ka na papapasokin. Mabuti nalang ay warning lang ang binigay sa'yo. Kung hindi ay baka unang marka mo sa attendance sheet n'ya ay absent!"
Hindi pa rin natatapos sa pagrereklamo ang kasama ko habang ako ay kumakain lang. Nagugutom na kase ako. Hindi naman ako nakapag agahan kanina dahil nagmamadali na ako.
"Oo nga pala, may kailangan nga pala muna akong puntahan. Kita nalang tayo mamaya sa susunod na subject, Arya. Bye!"
Hindi na ako nakasagot sa kan'ya dahil may laman ang bibig ko. Pinanuod ko nalang ito habang nagmamadaling maglakad paalis. Saan naman kaya ang punta non?
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na inisip kung saan s'ya pupunta. Pagkatapos kung kumain ay dumaan muna ako sa Cr.
Iniwan ko ang bag ko sa gilid ng sink bago pumasok sa isang cubicle. Habang nasa loob ako ay narinig kong may bumukas na pinto. May pumasok ata.
Paglabas ko ng cubicle ay maghuhugas muna sana ako ng kamay ng biglang magtama ang paningin namin ni Prof. Salvatore sa salamin. Nasa harap ito ng sink habang inaayos ang buhok n'ya na nakaponytail.
Mabilis akong nag iwas ng tingin at yumuko dahil hindi ko kayang tagalan ang mga tingin n'ya. Bigla nalang akong nakaramdam ng kaba.
"Sometimes staring is rude, especially if you do it inside of my class when I am waiting for you to speak up," anito habang inaayos ang laman ng bag n'ya. Walang ibang tao dito sa loob ng cr kaya alam kong ako ang kausap n'ya. Hindi naman pwedeng salamin ang kausap n'ya dahil hindi pa naman siguro s'ya baliw.
"I'm sorry, Ma'am," nakayukong paghingi ko ng paumanhin. Deretso lang sa sapatos ko ang tingin ko habang hinihintay ang sagot n'ya.
Isang minuto na siguro akong nag aantay ng sagot n'ya pero hindi na ito nagsalita. Akala ko lumabas na s'ya ng cr kaya nag angat na ako ng tingin.
Muntik na akong maout of balance dahil sa bigla kong pag atras. Nakatayo na kase ito paharap malapit sa'kin habang deretso ang tingin.
Hindi nito inalis ang tingin sa mga mata ko habang dahan-dahang humahakbang palapit sa'kin. Dahan-dahan rin ang hakbang ko paatras hanggang sa bumangga ang likod ko sa pader.
Parang hindi ako makahinga habang nanlalambot ang mga tuhod ng patuloy pa rin s'ya sa paghakbang palapit sa'kin. Ang mga titig n'ya ay hindi ko maipaliwanag kung ano. Basta hindi matalim ang mga titig n'ya pero parang tumatagos.
"M-Ma'am..." Nauutal na usal ko ng sobrang lapit n'ya na sa'kin.
Itinukod nito ang isang kamay n'ya sa pader pagkatapos ay inilapit ang mukha sa'kin.
"It's Prof. Salvatore, Serenity," nakakapanindig balahibong bulong nito.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...