MMP-30

14.5K 426 51
                                    

SERENITY's POV




"Ano?" Tinaasan ko ng kilay ang katabi kong si Shagie. Kanina pa kase s'ya nakatitig sa'kin pero wala naman s'yang sinasabi. Ang mga tingin pa namang binibigay n'ya ay parang may kahulogan.

"You're keeping a secret," sagot nito sa'kin habang hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagtitig n'ya.

"Anong secret ang sinasabi mo?" Nakakunot ang noong tanong ko sa kan'ya. Siya naman ngayon ang nagtaas ng kilay sa akin.

"I'm not a deaf, Arya. Narinig ko ang sinabi ni Professor Salvatore kagabi," sagot nito kaya bigla akong napaisip.

"Alin don?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung alin ang tinutukoy niya.

Bumuntong hininga naman siya bago sumagot sa tanong ko. "Narinig kong tinawag ka n'yang girlfriend. Kayo ba ni Professor Salvatore?"

Mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang bunganga ni Shagie dahil sa sinabi nito. May kalakasan pa naman ang boses n'ya. Inilibot ko ang paningin ko at nakahinga ng maluwag ng makitang wala namang ibang nakarinig sa sinabi nito.

"Hinaan mo naman ang boses mo," mahinang saway ko sa kan'ya. Napanganga naman ito at napatakip ng bibig. Nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Oh my god! You didn't deny. That means..." Bulalas nito kaya muli kong tinakpan ang bibig n'ya.

"Shhhh!"

"So kayo nga?"

"Oo nga. H'wag ka nang maingay."

"Oh my god!" Siya na mismo ang nagtakip ng bibig n'ya. Gulat pa rin itong nakatingin sa'kin. "Confirmed. Gosh, kagabi ko pa iniisip ang bagay na 'yon. Kung hindi ka lang inaya agad paalis ni Professor Salvatore sana kagabi ko pa nalaman. Nakakainis ka ah! Ang daya daya mo. Hindi mo sinabi sa'kin," tunog nagtatampong dagdag pa nito.

Hindi naman na nangulit pa ulit si Shagie tungkol sa amin dahil dumating na ang professor namin. Nakiusap din ako sa kan'ya na huwag sabihin sa iba at nangako naman s'yang hindi niya nga ipagsasabi.

Nang matapos ang klase namin ay nagpaalam ulit ako sa kan'ya na hindi ako makakasabay sa kan'ya sa cafeteria. Hindi naman siya nagreklamo at halos ipagtulakan pa nga ako paalis. Alam niya kase kung saan ako pupunta. Ayos lang naman daw sa kaniya kahit araw araw akong hindi makasabay sa kan'yang maglunch. Kahit kailan talaga bugaw s'ya.

Naglalakad ako papunta sa office ni Professor Salvatore nang bigla itong sumulpot sa unahan ko. Kalalabas lang nito ng classroom at mukang hindi niya ako napansin. Hindi naman ako nagsalita at tahimik lang na sumunod sa kan'ya.

Nang mapansin kong wala nang ibang estudyante sa hallway na dinadaanan namin ay walang ingay akong humakbang ng mabilis papalapit sa likod nito. Tinakpan ko ang mga mata nito ng dalawang palad ko.

"Guess," nakangiting bulong ko sa kan'ya.

Inabot ng isang kamay n'ya ang mga palad ko at inalis ito sa pagkakatakip sa mga mata n'ya. "I don't need to guess. I know it's my baby."

Hindi naman ako sumagot at mahina lang na tumawa sa sinabi n'ya. Hinigit naman ako nito palapit sa gilid n'ya at inakbay ang kanang braso sa'kin.

"Hindi ka mukang professional sa ganitong posisyon," natatawang sabi ko sa kan'ya pero hindi n'ya pa rin inalis ang pagkakaakbay sa akin.

"I don't care. I want us like this," sagot n'ya naman na nagpangiti sa akin.

Medyo nakasanayan ko nang sumabay sa kan'yang kumain ng lunch. Halos araw-araw naman kaming sabay mag-lunch dito sa school. Araw-araw din na s'ya ang nagdadala ng pagkain namin. Nagsuggest naman ako na palit-palitan kami. Kumbaga s'ya ngayong araw tapos ako naman bukas pagkatapos siya naman sunod na araw, kaso ayaw n'ya. Mas gusto n'ya na s'ya nalang ang magdala ng pagkain.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon