FREEN's P.O.V
Ngayon ang simula ng final examination nila Arya kaya maaga ko itong susundoin sa kanila. Palabas na sana ako ng bigla kong marinig ang pagtawag ni Mom sa akin.
"What do you need, Mom?" I asked and face her. She's holding a magazine while sipping her coffee. Inilapag muna nito ang hawak niyang kape bago humarap sa akin at nagsalita.
"I want you to free your schedule this week."
"Why? For what?" I confusedly asked.
"For the wedding preparation," she answered.
I mentally rolled my eyes bago bumuntong hininga. "Leave off that pathetic idea, Mom. I already told you, I won't marry Kelvin."
"Oh come on, Freen. You're not a kid anymore. You know what is the right thing for you. You're not getting any younger. You need to settle down."
"You're right, Mom. I'm old enough to know what I want and what's best for me. So stop ruling my life." I see how her expression turn dark because of what I said.
"Is that what you have learned from that girl, Freen? To be disrespectful and ungrateful?" Mom look at me madly. She stood up and walks towards me.
"Fatima." We both look at Dad na kakagaling lang sa labas. Nakatingin ito sa amin at base sa itsura niya ay hindi niya nagugustohan ang nadatnan.
"If you will side on her again, Greg... you better not," Mom warned Dad.
"Stop forcing your daughter, Fatima. She's not a kid anymore, she can make her own decisions," Dad said na mas lalong nagpainis kay Mom.
"But her decision is wrong. I'm just stopping her to commit a mistake that she will soon regret!"
"Freen knows what she's doing. We are her parents and what we should do is guide her and not rule her life."
Mom laughed sarcastically while looking at me and Dad. "Don't tell me you're letting your daughter to be with that girl, aren't you?"
Hindi sumagot si Dad at sumulyap sa akin. Muli s'yang tumingin kay Mom bago sumagot. "Let her do what she wants."
Nakatingin lang ako sa kanila at hindi alam kung paanu sasagot sa usapan nila nang bigla kong maalala na pupuntahan ko pala si Arya.
"I'm sorry, Mom." Naagaw ko ang atensyon ng dalawa kaya pareho silang tumingin sa akin. "I don't love Kelvin. I only love Arya, Mom. She's all I want."
Mas lalong rumehistro ang galit sa mukha ni Mom habang si Dad naman ay tumango lang sa akin. Hindi na ako nagsalita pa o kahit na hintayin pa ang sasabihin nila. Naglakad na ako palabas ng mansyon at dumeretso sa kotse ko.
Tiningnan ko ang oras at may higit isang oras pa naman bago ang exam ni Arya. I drive my car fast para agad akong makarating sa kanila. Mabuti nalang ay hindi traffic kaya hindi hassle.
"Good morning, Professor," masiglang bati nito sa akin ng pumasok siya sa kotse ko. Napangiti agad ako dahil don. Madalang ko na lang kase siyang makita na ganito.
"Good morning too, future wife." Malaki ang naging ngiti nito dahil sa sinabi ko. Kahit ako ay hindi rin maiwasang mapangiti dahil sa mga ngiti niya.
Since examination day ay wala akong klase dito sa GU. Advisers kase ang nagbabantay during exams and wala naman akong advisory class since I'm an adjunct professor.
"Goodluck sa exam mo. Ipasa mo lahat, okay?" Bilin ko sa kaniya nang maipark ko ang sasakyan ko.
"Thank you and noted, professor," masigla pa rin na sagot niya. Ngumiti naman ako sa kan'ya bago siya hinalikan sa noo.
"Sige na baka malate ka pa. I'll pick you up later. I love you," I said and kiss her on her forehead.
Pinagmasdan ko muna itong maglakad papunta sa building nila hanggang sa mawala siya sa paningin ko. I started the engine of my car and hit the road to my company.
Pagdating ko sa building namin ay binati agad ako ng mga empleyado ko. I just nod at them and didn't bother to greet them back.
As soon as I enter my office I noticed a strange brown envelope on my table. It was sealed kaya mas nakapagtataka.
I called my secretary and asked her about the envelope. Wala rin kaseng nakalagay kung kanino at saan iyon galing.
"Inabot lang po sa akin yan ng guard kanina sa baba, Ma'am. Ang sabi may nag iwan daw na lalaki kanina at ang sabi ay para sa inyo raw po iyan," sagot ng sekretarya ko nang tanungin ko ito.
Kunot noo kong pinagmasdan ang envelope. Pinag iisipan ko kung bubuksan ko ba o ano. Pero naku-curious talaga ako kung anong laman kaya inabot ko na ito. Medyo nahirapan pa akong buksan dahil saradong sarado ang envelope.
I lour when I found out what's inside the envelope. It's a printed photos. Tiningnan kong mabuti ang unang picture. Larawan ito ng isang building na hindi ko alam kung saan.
Tiningnan ko ang sunod na larawan at agad na natigilan. I suddenly feel numb because of what I saw. My heart started beating faster, but that's kinda painful. This can't be...
Muli kong tiningnan ang mga kasunod pa nitong larawan. Humigpit ang kapit ko dito kasabay ng pagbigat ng bawat hiningang pinapakawalan ko.
Magkahalong galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko lang mailabas ang nararamdaman ko.
"Bullshit!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas na hinagis ang mga bagay na nasa ibabaw ng mesa ko. Hindi pa ako nakuntento at tumayo ako at ipinaghahagis lahat ng mahawakan ko.
"M-ma'am..." Galit kong binalingan ang sekretarya ko na nakatayo sa pinto habang gulat at takot na nakatingin sa akin. Napansin ko rin ang ibang empleyado na nakasilip. Katulad ng sekretarya ko ay gulat at takot din ang mga mukha nito.
"Leave me alone." Mariin ang boses ko ng sabihin ko iyon pero hindi agad ito gumalaw at nanatiling nakatingin sa akin. "I said leave me alone! Get out!"
Mabilis na tumakbo palabas ang sekretarya ko at sinara ang pinto. Bigla naman akong napaupo sa sahig dahil sa biglaang panlalambot ng mga tuhod ko.
"P-potangina..." Kumikibot ang mga labing usal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako habang nakaupo sa sahig. Sunod sunod ang naging pagtulo ng mga luha ko habang nakakuyom ang mga kamay ko.
Napapikit ako ng mariin habang umiiyak ng bumalik sa isipan ko ang mga nakita ko sa larawan. Base sa mga larawan, it was taken secretly. It was a pictures of Arya and Ethan together. They are inside of a room, Ethan was on top of Arya.
"Damn it!" Muling sigaw ko habang umiiyak. Inabot ko ang cellphone ko na nasa sahig malapit sa akin. Nahulog ko ito kanina nang ipaghahagis ko ang lahat ng mahawakan ko.
Muling bumuhos ang mga luha ko ng makita ko ang wallpaper ng cellphone ko. It was a photo of me and Arya, both smiling.
Nagpunta ako sa contacts and was about to call Arya and asked her about what the photos when I remember that she's having her final exam right now. Humigpit ang kapit ko sa phone ko at muli itong inihagis.
I want to call her, shout at her, tell her how she betrayed me, and how she hurted me. But I don't want to bother her right now. I don't want to distract her. It's her final examination and she can't fail it.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo sa sahig habang umiiyak. Naagaw lang ang atensyon ko ng cellphone ko ng magring ito. Napatawa nalang ako sa isip ko dahil kahit ilang beses na itong naibato ay gumagana pa rin.
Sinubokan kong abotin ang phone ko at nakita ang number ni Rhae na tumatawag.
"Hello, Freen? Busy ka ba?" Bungad ni Rhae ng sagotin ko ang tawag.
"Why?" I asked. I tried to sounds normal.
"Nothin', aayain lang kitang gumala mamayang gabi," sagot nito sa akin.
"I'm busy. Maybe next time, Rhae."
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...