SERENITY's POV
"She's here," Elle whispered.
Inilibot ko naman ang tingin ko para hanapin ang taong tinutukoy niya. Medyo natagalan pa bago matagpuan ng mga mata ko ang taong tinutukoy niya.
Tsk. Nandito na naman.
"Kausapin mo nalang kaya?" Suhestyon pa ni Elle habang nakatingin rin sa professor kong halatang hinahanap ako ng tingin.
"Wala naman kaming kailangang pag usapan. Ayoko na ring mainvolve sa buhay niya, Elle. May fiance na siya, gusto mo ba akong maging kabit?" Tugon ko dito at naglakad papuntang bar counter.
"Johnny Walker black label on the rock," sabi ko sa bartender namin.
"Kakausapin mo lang naman. T'yaka ikaw na rin ang nagsabi na hindi mo na siya kinausap after mong makausap 'yong lalaki," tugon naman nito sa akin.
"Dahil wala na nga kaming dapat pag usapan."
"Pero pinuntahan ka niya sa bahay niyo diba? Anong nangyari?" Pagtatanong nito.
Naalala ko pumunta nga siya kagabi sa bahay. Nagulat nalang ako't pumasok na siya sa kwarto ko. Pinagbuksan pala ito ni Mama.
"Wala, pinauwi ko na kasi inaantok na ako," pagsagot ko. Medyo totoo naman ang sagot ko kay Elle. Nangulit pa sa'kin si Professor Salvatore kagabi pero kalaunan ay pumayag rin na umuwi nalang.
Kaninang umaga ay nagpumilit ulit ito na kausapin ako pero dahil nasa school kami ay madali lang sa'kin na iwasan siya.
I mean, hindi naman talaga madali. Kasi ayoko rin naman sana talaga siyang iwasan. Pero ito ang dapat na gawin.
"Ewan ko sa'yo, Arya. Kakausapin mo lang naman," naiiling na sabi pa ni Elle.
Kinuha ko ang black label na order ng costumer namin para ihatid ito sa table nito.
"Ikaw nalang ang kumausap total ikaw naman ang may gusto," sagot ko kay Elle na alam kong nakasunod sa akin.
"Okay, sabi mo e."
Nang maihatid ko ang order ng costumer namin ay hinanap ng paningin ko si Elle. Napakunot nalang ang noo ko nang hindi ko ito mahanap.
Nasaan na ang babaeng 'yon?
Nagpalinga-linga pa ako para hanapin ito pero hindi ko talaga makita. Mamaya pa ang out no'n e.
"Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Joy na kakalapit lang sa akin.
"Si Elle, nakita mo ba?" Tanong ko naman rito pabalik.
"Ahhh, si Elle ba? Nakita ko kanina papuntang VIP room, andon sa taas," sagot ni Joy na ikinakunot ng noo ko. Ano namang gagawin no'n do'n?
"Bakit nandon siya sa taas?"
"Ewan," kibit balikat na sagot ni Joy. "May kasamang costumer."
Parang awtomatikong pumasok sa isip ko si Professor Salvatore dahil sa sinabi ni Joy.
"S-sige, Joy. Alis muna ako."
Marami namang available na waitress at hindi gaanung marami ang costumer kaya naisipan kong pumunta sa taas kung nasaan ang vip room. Ewan ko ba, bigla nalang gumalaw ng kusa itong paa ko paakyat dito.
Pagdating ko sa taas ay agad na hinanap ng tingin ko si Elle. Hindi naman ako nahirapan at nakita ko agad ito. Nakatalikod siya sa akin pero alam kong si Elle yon.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...