MMP-33

12.3K 357 17
                                    

SERENITY's POV

It's been a week since pinuntahan ako ng mommy ni Freen sa bahay. So far hindi naman na ulit ito nagpunta sa bahay o ano. Hindi ko na rin sinabi kay Freen ang tungkol don dahil baka magkaroon pa sila ng hindi pagkakaintindihan ng mommy niya. Àyokong maging rason para mag away silang dalawa.

"Oh? Hindi kayo sabay kumain?" Puno ng pagtataka ang mukha ni Shagie nang makita akong lumapit sa table nila dito sa cafeteria.

"Hindi e," tanging sagot ko at inilapag ang pagkain ko sa mesa.

"Himala ah," may pagtataka pa ring sagot nito pero hindi na ako sumagot at nagkibit balikat nalang.

Ang totoo ay galing ako sa office ni Freen dito dahil akala ko ay sabay ulit kaming magla-lunch. Ang problema lang ay wala ito doon. Hindi ko alam kung nasaan siya dahil lunch break na. Wala rin naman siyang nasabi na hindi kami sabay kakain ngayon. Naghintay pa nga ako doon sa office niya pero hindi ito dumating. Sinubukan ko ring tawagan pero cannot be reached ang number niya.

"Ayos ka lang ba? Hindi mo nagagalaw ang pagkain mo."

Muling bumalik ang atensyon ko kay Shagie sa harap ko nang muli itong magsalita.

"Ayos lang ako," sagot ko na sinabayan ko ng ngiti. Hindi naman na ito nagtanong at bumalik nalang sa pagkain.

Wala naman kaming problema ni Freen pero pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw ay may kakaiba sa kaniya. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi sa'kin. Hindi niya ako masyadong tini-text at hindi rin kami masyadong nag uusap. Kapag magkasama naman kami minsan ay parang masyadong malayo ang isip niya. Minsan pa nga ay halos hindi niya ako pansinin kahit magkasama kami.

"Ayon pala si Professor Salvatore, oh." Lumingon ako sa direksyon na tinuro ni Shagie. Doon ay nakita ko nga si Freen. Pero nasa likod nito ang lalaking hindi ko kilala pero parang pamilyar sa'kin. "Sino yung kasama niya?" Tanong ni Shagie nang mapansin rin ang lalaking kasama ni Freen.

"E-ewan," sagot ko habang nakasunod ang tingin sa dalawa.

Pinilit kong isipin kung nakita ko na ba iyong lalaking kasama ni Freen hanggang sa maalala ko ang lalaking naabotan ko sa office ni Freen. Iyong nagpakilalang fiance niya.

Freen told me that it's her friend at pinagtitripan lang ako. Pero bakit kaya sila magkasama ngayon? Nakalimutan niya pang itext na naman ako.

"Hindi ka pa ba sasabay sa akin?" Umiling ako kay Shagie. Hindi muna ako sasabay sa kaniya papuntang room dahil may pupuntahan pa ako.

"Susunod nalang ako," sagot ko sa kaniya at tinahak na ang daan sa pupuntahan ko.

Habang naglalakad ako ay hindi talaga mawala sa isip ko ang lalaking kasama niya. Hindi naman ako nagseselos pero kase ewan ko ba. Hindi ko maintindihan. Kakaiba ang nararamdaman ko.

Hindi pa man ako nakakarating sa opisina ni Freen ay nakasalubong ko na ang lalaking kasama nito kanina. Matangkad ito at halatang mayaman. Hindi ko maiwasang hindi ito titigan dahil kakaiba ang dating nito. Hindi ko alam ang gagawin ko nang sumulyap ito sa akin at ngumiti, ngumiti nalang din tuloy ako ng tipid para hindi nakakahiya.

Nang marating ko ang opisina ni Freen ay hindi na ako kumatok at pumasok nalang agad. Naabotan ko si Freen na nakaupo sa swivel chair niya at seryoso ang tingin sa papel na nasa harapan niya. Nagulat pa ito nang makitang pumasok ako sa opisina niya. Pero agad rin naman iyong napalitan ng isang tipid na ngiti.

"Saan ka galing?" Iyon ang agad na tanong ko nang makalapit ako sa table niya.

"I had an important meeting earlier," sagot nito sa akin at tiniklop ang folder na hawak niya. "Come here," anito at sinenyas ang kamay na lumapit ako sa gilid niya.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon