SERENITY's P.O.V
"Be strong, okay?" Tumango ako sa sinabi ni Freen habang pinagmamasdan si Papa na ipinapasok sa operating room. Ngayon na kase ang araw na ooperahan siya. Kahit anong pilit ko na tatagan ang loob ko ay hindi ko pa rin maiwasang hindi kabahan para kay Papa.
"Magiging maayos ang lahat. Alam kong kayang kaya ni Tito yan," pagpapatatag pa ni Freen ng loob ko. Muli akong tumango sa kaniya at hinayaan siya na yakapin ako.
Wala dito ngayon si Mama dahil masyado siyang nagiging emosyonal kapag nandito siya. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil kahit ako ay ganun din ang nararamdaman. Pagkatapos ng nangyari kay Saffary ay hindi talaga maiiwasan ang labis na takot na nararamdaman namin lalo na't alam naming hindi maganda ang kalagayan ngayon ni Papa.
Habang inooperahan si Papa sa operating room ay walang tigil ako sa pagdadasal na sana ay maging successful ang operation niya. Masyado pang masakit ang pagkawala ni Saffary sa amin. Hindi ko yata kakayanin kung masusundan pa iyon. Hindi pa ako handa. Sa tingin ko rin ay never akong magiging handa sa bahay na yon.
"Sa tingin mo ba kakayanin ni Papa iyon?" Naluluhang tanong ko kay Freen na nasa tabi ko. Hindi ko kase maiwasang hindi isipin na paanu kung hindi kayanin ni Papa? Paanu kung hindi maging successful ang operation? Paanu kung....
Ngumiti sa akin si Freen na para bang sinasabi niya na tatagan ko ang loob ko dahil magiging maayos din ang lahat.
"Kayang kaya ni Tito yon, Arya. Maging matatag lang tayo dahil alam kong magiging successful din ang operation. Isa pa kilala ko ang surgeon na nagpeperform ng operation sa loob, isa siya sa pinakamagaling na surgeon na kilala ko. Magiging maayos ang lahat, okay?" Sagot nito sa akin habang nakangiti kaya tumango nalang ako sa kaniya at pilit na ngumiti pabalik.
Habang nakatingin kay Freen ngayon ay hindi ko maiwasang isipin kung gaanu ako kaswerte na nakilala ko siya. Noong una akala ko ay masyado siyang masungit at masama ang ugali niya dahil sa aura niya pero mali ako. Totoo nga ang sabi nila na don't judge a book by its cover. Hindi man halata pero isa si Freen sa pinakamabait at mapagmahal na taong kilala ko. She always look strong and unbothered but the truth is she always care especially to those people na mahalaga sa kaniya.
From the day I met her ay palagi siyang nandiyan para sa akin. She never leave my side everytime I need someone to lean on. Palagi siyang nandiyan at willing na damayan at tulungan ako. Kahit minsan alam kong nahihirapan na din siya at napapagod pero never niya akong pinabayaan. Willing siyang mag adjust palagi para sa akin.
Having Freen is such a blessing. She's one of a kind. Siya yung tipo ng tao na swerte mo nalang kapag may nakilala kang katulad niya. Hindi man siya magaling sa salita ay hindi naman siya bigong ipakita sa mga kilos niya kung paano niya pahalagahan ang mga taong malapit sa kaniya.
"Thank you, Freen," nasambit ko habang nakatitig sa kaniya. Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko. Bigla ko kaseng naisip na paanu nalang kaya kung walang Freen na dumating sa buhay ko. Kung walang Freen na mahal ako at palaging nandiyan para sa akin.
Wala mang ideya kung bakit ko biglang nasabi ang mga salitang iyon ay ngumiti siya sa akin pabalik. Iyong ngiting alam mong totoo at puno ng pagmamahal kahit sa mga oras na parang ang hirap ng lahat.
"I know things are extremely difficult, but we will get through everything together," sagot nito sa malambing na boses at niyakap ako. Napapikit nalang ako habang dinadama ang mga yakap niya na ni minsan ay hindi nabigo para pagaanin ang loob ko.
"Thank you so much for everything, Freen. Thank you for always being there for me," lumuluhang sabi ko pa.
Naramdaman ko ang mas pag higpit ng yakap nito sa akin. "We are in this situation together. We'll face everything together."
Mas lalong bumuhos ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niyang iyon. Mas lalo ko lang narealize kung gaanu ko dapat itreasure ang taong katulad niya. Narealize ko din na kahit hindi lahat ng bagay sa buhay ay naaayon sa gusto natin ay may ibibigay talaga ang nasa itaas na magpapatamdam sa atin na masuwerte pa rin tayo.
"Huwag mo akong iiwan, Freen. Huwag kang aalis sa tabi ko."
Hindi man ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang mahinang pagtango niya sa sinabi ko.
"I'll stay as long as you want me to," pabulong na sagot nito sa sinabi ko.
"As long as you want me on your side, I will never leave. I will stay whatever circumstances will try to break us apart. I will never leave until you ask me to."
Naging matagal ang operation ni Papa kaya mas lalo tuloy akong kinakabahan. Nang makita kong bumukas na ang operation room ay agad akong tumakbo papunta sa pinto nito.
"D-doc..." Nanginginig ang boses ko dahil sa kaba habang nakatingin sa doctor na nag opera kay Papa.
"Freen," sambit ng doctor sa pangalan ni Freen na nasa tabi ko bago ngumiti sa aming dalawa ni Freen. "The operation went well. The patient will be moved back to the ward," nakangiting sabi ng Doctor na nagpagaan sa loob ko.
Pakiramdam ko ay noon lang ako nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor. Para akong nabunutan ng tinik at nawala ang nakadagan sa dibdib ko. Hindi ko maiwasang hindi mapaiyak, pero sa pagkakataong ito ay hindi na dahil sa takot kung hindi ay dahil na sa saya.
"Thank you, Doc."
Si Freen na ang nakipag usap sa doctor dahil sa hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil sa tuwa. Hindi na rin mawala ang ngiti sa mga labi ko dahil kahit papaanu ay alam kong naging maayos ang operation ni Papa.
Pagkatapos ng surgery ay ibinalik na rin si papa sa ward o recovery room. In the recovery room, clinical staff will closely monitor Papa as he recover from anesthesia.
"Imomonitor pa muna nila si Tito hanggang sa maging maayos na talaga ang lagay niya. Kapag nasiguro na maayos na ang lagay niya ay pwede na siyang iuwi," paliwanag sa akin ni Freen habang papasok kami sa ward.
"Mga kailan kaya si Papa magigising?"
"Hindi pa sigurado but he'll wake up in several hours," sagot nito sa akin kaya tumango nalang ako sa kaniya.
Agad kong tinawagan si Mama para ibalita sa kaniya na naging maayos ang operasyon ni Papa. Katulad ng inaasahan ay labis itong natuwa. Naiiyak pa ito habang kausap ako at labis labis ang pasasalamat sa itaas.
Katulad ni Mama ay nagpapasalamat din ako sa itaas. Syempre thankful din ako sa surgeon at kay Freen. Dahil kung hindi dahil kay Freen ay hindi maooperahan si Papa. Siya ang nagbayad at siya rin ang pumili ng magaling na surgeon para operahan si papa.
Bumaling ako kay Freen at napansin na parang ang lalim ng iniisip nito. Nakaupo ito habang tulala sa kawalan. Anong nangyari don?
"Freen, ayos ka lang ba?" Tanong ko dito pero parang hindi ako nito narinig.
"Freen?" Muling pagtawag ko sa kaniya. Para naman itong nagulat sa akin kaya napakunot ang noo ko. "May problema ka ba?"
Napansin ko ang pag aalinlangan sa mukha nito bago pilit na ngumiti sa akin. "Wala, ayos lang ako."
Hindi ako sumagot at pinakatitigan ito. Pansin kong may kakaiba talaga sa kaniya. Ngayon ko lang ito napansin marahil ay dahil sa abala din ako sa ibang mga bagay.
"Sigurado ka ba? Kung may gumugulo sa isip mo pwede mo namang sabihin sa akin," sagot ko sa kaniya pero umiling siya sa sa'kin.
"Silly, walang gumugulo sa isip ko," natatawang sagot niya at kinurot ang pisnge ko.
Napangiti nalang ako sa ginawa nito. Pero kahit ganun ay pansin ko ang pagod sa mukha niya. Halata sa kaniya na wala siyang maayos na pahinga. Mukang mas pumayat siya at medyo nangingitim pa ang ilalim ng mga mata niya.
"Bakit ganiyan ka makatitig? In love ka na naman sa akin masyado," pagbibiro pa nito na mas lalong ikinangiti ko.
"Palagi naman," nakangiting sagot ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...