MMP-48

11.6K 330 84
                                    

SERENITY's P.O.V

Dahil sa ginawa ni Freen ay umalis na ang lalaki. Humarap ako kay Freen at ngingiti sana kaso nakita kong galit na ang mga mata nitong nakatingin sa akin.

"Go back to your room," malamig na sambit nito at tinalikuran na ako. Naglakad na ito palayo at hindi na ako nilingon pa.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero sa halip na sundin ang sinabi nito ay sumunod ako kung saan ito papunta.

Sinubukan kong bilisan ang lakad ko kahit pa nahihilo ako't pakiramdam ko ay matutumba anytime. Pakiramdam ko ay medyo nabawasan ang kalasingan ko.

"F-freen, h-hintayin mo 'ko." Hindi ito huminto at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ako naman ay patuloy sa pagsunod sa kaniya.

"S-saglit!"

Binilisan ko ang lakad kahit magkandatumba-tumba ako. Mabuti nalang mabagal ang lakad niya kaya bago niya pa tuluyang masara ang pinto ng hotel room niya ay naiharang ko na ang kamay ko.

Ang problema lang ay naipit ang kamay ko.

"Aray!" Gusto kong maiyak dahil masakit iyong pagkakaipit. Feeling ko nga mapuputol ang kamay ko.

"Shit!"

Hinarap ko si Freen habang naluluha ang mga mata ko. Nakita ko ang gulat at pag aalala sa mukha nito. Akala ko iyon na yon pero agad na napalitan ng inis ang ekspresyon ng mukha niya.

"What do you think you're doing, Serenity?!"

Ramdam ko ang pag init ng mga mata ko at ang pamumuo ng mga luha dito. Naiiyak ako...naiiyak ako hindi dahil sa masakit ang pagkakaipit niya sa kamay ko kanina o dahil sinigawan niya ako. Naiiyak ako kase siya lang talaga ang tumatawag sa akin sa pangalang iyon.

"F-freen," usal ko sa pangalan niya bago tuluyang tumulo ang mga luha ko.

"I-I'm sorry," umiiyak na sambit ko pa habang nakatingin sa kaniya.

Kita ko kung paanong magtiim bagang si Freen habang nakatingin sa akin. Mas lalo akong naiiyak dahil don.

"I-I'm really s-sorry..."

Wala akong ibang emosyon na makita sa mukha ni Freen maliban sa galit.

"Leave, Arya. I don't need your apology."

I can feel my hand shaking while looking at her. She's staring at me as cold as ice. 

"F-freen, I-I...I m-miss you so m-much," I cried. Pakiramdam ko nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa panginginig habang nakatingin sa kaniya. Pakiramdam ko nawala lahat ng kalasingan ko.

Hindi sumagot sa akin si Freen at tinitigan lang ako na para bang wala siyang pakealam sa sinabi ko.

"A-alam kong k-kasalanan ko. A-alam ko 'yon...p-pero—"

"Stop it, Arya. We're over. It's been five years, move on."

Hindi ako nakasagot at napahikbi nalang. It's been five years pero bakit parang hindi man lang nabawasan ang pagmamahal ko para sa kaniya.

Hindi ko alam kung paanu ko sasabihin ang mga nararamdaman ko. Alam kong ako ang may kasalanan, ako ang tumapos ng lahat, pero kase...I want her back. I want her for me...again.

"H-hindi mo na b-ba ako m-mahal?" Kahit puno ng mga luha ang mga mata ko ay pinilit kong tingnan ang mga mata niya. I was hoping na makakakita ako ng kahit na anong emosyon sa kaniya dahil sa sinabi ko, but she just look at me na parang wala lang iyon sa kaniya.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon