MMP-7

16.6K 532 128
                                    

SERENITY's POV

Kinabukasan maaga akong nagising pero pakiramdam ko ay hindi ako inaantok. Siguro ay dahil mabilis rin naman akong nakatulog kagabi.

"Naks, aga natin ngayon ah," salubong sa'kin ni Shagie nang makasabay ko s'ya sa gate ng school namin.

"Maaga akong nagising e," sagot ko naman sa kan'ya.

"Wala kang trabaho kagabi?" Tanong nito. Alam na kase n'ya ang schedule ko sa trabaho dahil medyo matagal tagal na din akong nagtatrabaho sa bar na 'yon.

"Meron pero nakatulog ako ng maayos kagabi," sagot ko naman.

Sabay na kaming naglakad papasok sa building namin pero nauna s'yang pumunta sa room. Dumaan pa kase ako sa registrar dahil may kailangan akong linawin doon tungkol sa scholarship ko.

Hindi naman ako gaanung nagtagal roon at dumeretso na sa room ko dahil malapit nang magsimula ang unang klase ko ngayong araw. Nasa pinto palang ako ng room ay sinalubong na ako ni Marcus. Isa s'ya sa mga kaklase ko.

"Good morning, Arya," nakangiting bati sa'kin nito.

"Good morning din, Marcus," bati ko pabalik at ngumiti din.

Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong card. Ganun din ang card na binigay sa'kin ni Ethan kahapon. Mukang alam ko na ang sadya n'ya.

"Ang ganda mo ngayon, Arya," pangbobola nito na medyo ikinahiya ko. Ngumiti nalang ako sa kan'ya at hindi na nagsalita. "Nga pala, may date ka na ba para sa acquaintance party natin?"

Alam kong balak n'ya akong alokin bilang date n'ya. Hindi n'ya pa sinasabi pero alam ko na, syempre nakita ko na yung card na hawak n'ya. Isa pa, medyo matagal ko na din napapansin ang palihim na pagsulyap sulyap n'ya sa'kin sa loob o labas man ng klase.

"Ahh oo, meron na akong date," sagot ko sa kan'ya. Pansin ko ang panglungkot ng mukha nito pero agad ring ngumiti ulit.

"Ganun ba? Sayang naman, aayain sana kitang maging date ko," anito na nakangiti pero mukang nahihiya.

"Pasensya na, Marcus, may nauna na kaseng nag aya sa'kin kahapon," sagot ko naman dito. Wala naman akong kasalanan sa kan'ya pero feeling ko ay naguguilty ako na hindi ko maintindihan dahil sa pagtanggi ko sa kan'ya.

"Ayos lang 'yon, nagbabaka sakali lang naman ako na baka pwede kitang maging date," sagot naman nito at ngumiti sa'kin kahit mukang nalulungkot ang mga mata n'ya.

"Excuse me, you're blocking the door way."

Sabay kaming tumabi ni Marcus ng may masungit na boses ang nagsalita sa likod namin. Nandito pala kami nakatayo sa pinto kaya nahaharangan namin ang mga papasok.

"S-sorry po, Prof. Salvatore," paghingi ni Marcus ng paumanhin kaya lumingon ako dito.

Saglit na nagtama ang mga tingin namin pero mabilis din itong nag iwas. Pinakiramdaman ko ang sarili ko ng para bang biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magkasalubong ang mga tingin namin. Ano yon?

Hindi naman ito nagsalita at dumeretso na sa loob ng room. Mabilis naman akong kumilos papunta sa upoan ko.

Nagsimula na itong magturo at pansin kong parang hindi maganda ang mood n'ya. Palagi naman s'yang masungit sa loob ng classroom pero parang may kakaiba sa kan'ya ngayon. Hindi rin ako nito binabalingan ng tingin. I mean, hindi naman sa umaasa ako na titingnan n'ya ako o susulyapan man lang pero parang buong discussion ay hindi bumabaling ang tingin n'ya sa pwesto namin, pwesto ko. Para bang iniiwasan n'ya ang parteng 'yon.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon