SERENITY's POV
"What do you prefer? this or this one, or that one or that one on the left, beside the green one?" Hindi agad ako makasagot dahil hindi ko alam kung alin ang pipiliin ko. Bukod sa pare-pareho kaseng magaganda ay sobrang mamahal din ng presyo, hindi ko kayang bayaran yon dahil mas malaki ang presyo ng dress kesa sa kikitain ko sa isang buwan na pagtatrabaho sa bar. "Or maybe you want to look for another style or another color," patuloy nito at ibinalik sa nag aassist sa'min ang mga dress na hawak n'ya.
"Prof., masyadong mahal ang mga dress dito hindi kaya ng budget ko," bulong ko dito nang makitang nagpapakuha ito ng ibang dress.
"You don't need to worry, Arya, it's all on me," sagot nito at kinuha ang mga bagong dress na dala nung babae. "Try this," anito at inabot sa'kin ang nude dress.
"Pero ang mahal nito, Prof., hindi kita mababayaran nito," sagot ko at hindi tinanggap ang dress.
"Who told you that you need to pay me for this?" Nakataas na kilay na tanong nito.
"Pero--"
"No more buts, Arya, just try this one. I think this will look good on you," anito at isinabit sa balikat ko ang dress na pinapasukat n'ya sa'kin.
"Humanap nalang kaya tayo ng mas mura? Hindi ko talaga matatanggap to lalo na't sobrang mamahal," pagrereklamo ko at ibinalik sa kan'ya ang dress. Grabe naman kase talaga ang presyo, isang dress lang tapos 25 000? Anong tela ba ang gamit nila don?
"Will you just stop complaining and try this one," aniya at hinila ako papasok sa fitting room.
"Pero ang mahal naman kase nito. Paanu naman kita nito mababayaran?"
"You don't need to pay me," parang naiinis nang sabi nito.
"Hindi pwede, ang mahal pa naman," nakangusong sagot ko naman. Napakatigas kase ng ulo ng professor na 'to. Sinabi ko naman na humanap nalang kami ng mura pero ayaw n'ya.
"Then just give me a kiss, that's enough payment for that," aniya na nagpatulala sa'kin. Tama ba ang narinig ko?
"K-kiss?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito.
"Yeah, so try this one already para makakain na tayo. I'm already starving, just so you know."
"Hindi ko tatanggapin 'yan, Prof, lalo na at ang mahal mahal n'yan," pagtanggi ko at tumalikod sa kan'ya.
Hinawakan naman nito ang balikat ko at hinarap ulit sa kan'ya. "I'm still talking to you, Apostol, don't turn your back on me. Try this and don't ever complain, or else..." Hindi nito tinuloy ang sinasabi n'ya at mariing tumitig sa'kin.
"Or else ano?" May halong kabang tanong ko dahil sa mga titig nito na bumaba sa labi ko.
"Or else hindi kita papapasokin sa klase ko," pagsusungit nito at hinila na ako.
Wala akong nagawa kundi sundin ang anumang gusto ni Prof. Sungit. Gamitan ba naman ako ng authority n'ya as a teacher. Nakakainis.
"What's wrong with you?" Hindi ko ito pinansin o kahit tiningnan man lang. Nakakrus lang ang mga braso ko habang nakatingin sa kabilang parte ng restaurant kung saan hindi ko s'ya makikita. Nandito na kase kami ngayon sa restaurant pero kanina ko pa s'ya hindi pinapansin. "Stop being so grumpy, hindi naman bagay sa'yo," dagdag nito na ikinasama lalo ng mukha ko.
"Syempre mukha kase akong mabait. Unlike you na mukang palaging masama ang loob sa mundo," pagsusungit ko dito.
"Hmm? I don't think so. I'm too pretty para masabi mong masama ang loob ko sa mundo," mayabang na sagot nito.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...