MMP-47

11.4K 390 48
                                    

SERENITY's P.O.V

Para akong estatwa sa kinatatayuan ko nang lagpasan ako ni Freen. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga tingin niya sa akin kanina. She looked at me like I am just a nobody to her. She speaks to me like I'm just some sort of stranger.

Sa loob ng five years ay walang masyadong nagbago sa kaniya. Parang hindi man lang siya tumanda ng kahit kaunti.

"Ayos ka lang?" Natauhan ako ng biglang tapikin ni Mae ang balikat ko.

"Ahh  oo. L-labas muna ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mae at mabilis na naglakad patungo kung saan dumaan si Freen. Nakita kong lumabas ito sa exit kaya patakbo akong sumunod nito.

Muntik pa akong matumba dahil sa pagmamadali pero wala akong pakialam. This is the first time that I saw Freen after five years. Sa loob ng limang taong 'yon ay wala na rin akong narinig tungkol sa kaniya.

All I know is she's already living her life in France at wala na siyang balak na umuwi ng Pilipinas. I tried contacting her pero hindi ko na siya nacontact. Nakiusap pa ako kay Ma'am Carnell pero ang sabi niya ay wala na rin siyang contact kay Freen.

Nakita kong dumeretso si Freen sa labas at wala itong kasama kaya tinawag ko ang pangalan nito.

"Freen!" Tawag ko sa pangalan nito pero mukang hindi ako nito narinig.

"Freen!" Tawag ko pang muli kaya napahinto ito. Nakakunot ang noo nito nang humarap sa akin.

Medyo hinihingal pa ako nang huminto ako sa harap nito. Wala naman itong reaksyon maliban sa nakakunot niyang noo.

"F-freen..." Sinubukan kong salubongin ang mga tingin nito pero parang hindi man lang siya naapektohan. Wala man lang akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata niya habang nakatingin sa akin.

"C-can we talk?" Alam kong makapal ang mukha ko para hilingin sa kaniya na mag usap kami after what I did five years ago pero ayoko ring sayangin ang pagkakataong ito. Ito nalang ulit ang pagkakataon ko na makausap siya after five years.

"It's late," sambit nito at sinulyapan ang suot niyang relo. "What do you want to talk about, Miss?"

I wouldn't lie that I felt a sudden stung on my chest by the way she's talking to me right now.

"K-kumusta?" Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil iyon lang ang tanging nasabi ko. Sa loob ng five years ang dami-dami kong naisip na sabihin at itanong kay Freen. Pero ngayong nandito na siya sa harap ko ay parang nablangko ang isip ko bigla.

Mas lalong kumunot ang noo niya nang marinig ang sinabi ko. Hindi naman ito sumagot kaya nagsalita ulit ako.

"K-kailan ka pa nakabalik?"

Mahina siyang napabuga ng hangin at bored na tinitigan ako. "I don't have time for this, Miss."

Akmang tatalikoran na ako ni Freen nang hawakan ko ang kamay nito para pigilan siya. Ikinagulat naman nito ang ginawa ko kaya mabilis niyang hinila pabalik ang kamay niya dahilan para mapabitiw ako ro'n.

"S-sorry..."

Muli itong malamig na tumingin sa akin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang labi ko sa panginginig. Nararamdaman kong nag iinit na rin ang mga mata ko.

"G-gusto ko lang naman ma-malaman kung k-kumusta ka na. M-matagal na rin simu—"

Pinutol ni Freen ang sasabihin ko na para bang hindi siya interesdong marinig pa iyon.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon