MMP-42

11K 277 11
                                    

SERENITY's P.O.V

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Freen nang mapansin kong tumayo ito sa tabi ko.

"I need to answer this call," sagot niya at ipinakita sa akin ang cellphone na hawak niya. Hindi naman na ako nagsalita at tumango nalang.

Hindi ko maiwasang magduda dahil sa ikinikilos ni Freen. Kahapon ko pa napapansin na parang may kakaiba sa kaniya. Katulad ngayon ay kakaiba din ang kinikilos niya. Dati tuwing may tatawag sa kaniya ay sinasagot niya naman iyon sa harap ko. Wala siyang pakialam kung sino man ang tumatawag. Pero ngayon ay talagang lumabas pa siya nitong kwarto para lang sagotin ang tawag na yon.

Hindi naman masyadong nagtagal si Freen sa labas. Agad rin itong pumasok sa loob. But still, naiintriga pa rin ako kung sinong tumawag sa kaniya.

"Trabaho?" I asked nang makapasok siya sa loob. Lumingon naman ito sa akin at tumango.

May kung ano itong hinanap sa bag niya. Hindi ako nagtanong at inobserbahan lang ang galaw nito. Ayokong mag isip ng kung ano ano pero nang matapos ang operation ni Papa at wala na ako masyadong iniisip ay napansin kong parang may kakaiba Kay Freen. Gusto kong itanong pero hindi ko alam kung paanu. Hindi rin kase ako sigurado, baka masyado lang akong nag iisip.

"Kailangan kong pumunta sa opisina," usal nito habang may ginagawa pa rin. Hindi ito nakatingin sa akin. "Babalik din ako mamaya pagkatapos ng trabaho ko," dagdag nito at isinara ang bag niya.

Bitbit ang bag niya at lumapit ito sa akin. Yumuko siya sa may harap ko at hinaplos ang mukha ko.

"Kumain ka sa tamang oras, okay?" Anito at ngumiti sa akin.

Siguro nga nag iisip lang talaga ako ng kung ano ano.

Ngumiti ako pabalik kay Freen at tumango. Mas lalo namang lumaki ang ngiti niya at hinalikan ako sa noo.

"Kailangan ko nang umalis."

Muli akong tumango sa kaniya at tumayo. Ito naman ay naglakad na papunta sa pinto.

"Ingat ka, Freen," sabi ko pa na tinanguan niya nalang.

Humakbang pa ako papalapit sa pinto para tanawin si Freen na halatang nagmamadali. Baka may problema sa opisina niya o kaya may biglaang meeting.

Bumalik ako sa kaninang inuupoan ko nang mapansin ko ang cellphone ni Freen na naiwan niya pala. Agad kong kinuha iyon at patakbong lumabas. Muntik pa akong makabangga ng ibang naglalakad dahil sa pagmamadali para maabotan ko si Freen. Pagdating ko sa labas ng hospital ay natanaw ko si Freen na naglakad. Teka, hindi naman don ang parking?

Kahit nagtataka ay sumunod pa rin ako kay Freen. Sinubokan ko itong tawagin pero hindi ata ako nito narinig.

Mas binilisan ko pa ang takbo nang makitang pumara ito ng taxi at agad na sumakay. Nasaan ang kotse n'ya?

Hindi ko nalang muna inisip iyon. Sinubukan kong parahin ang taxing sinakyan niya pero nakaalis na ito.

Bagsak ang balikat ko habang nakatingin sa cellphone ni Freen. Baka may importanteng tumawag sa kaniya mamaya. Baka kailanganin niya to.

Nang may dumaang taxi ay hindi na ako nagdalawang isip at pinara iyon. Agad akong sumakay at tinuro ang taxi na sinasakyan ni Freen. Ihahatid ko nalang ito sa opisina niya dahil baka kailangan niya pa.

Habang nasa loob ng taxi ay hindi ko maiwasang magtaka nang mapansin na ibang daan ang dinaraanan namin. Tinanaw ko kung tama ba ang taxi na sinusundan nitong sinasakyan ko at tama naman. Iyon ang taxing sinakyan ni Freen kanina. Saan kaya soya pupunta? May imemeet kaya siyang kliyente? Business partner?

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon