MMP-28🔞

21.6K 458 24
                                    

SERENITY's POV

"Are you joining us?" Shagie asked while fixing her notes.

"Sorry, Sha, pero hindi ako makakasabay sa inyo ngayon. May kailangan kase akong puntahan," sagot ko sa kan'ya at sinuot na ang bag ko.

"Ganun ba? Sige, sasabay nalang ako kila Mae," medyo dismayadong sagot n'ya. Ilang araw na rin kase akong hindi nakakasabay sa kan'yang maglunch.

"Pasensya na talaga, Sha. Sa susunod sasabay na ako sa'yo," pagpapagaan ko sa loob n'ya na tinugunan n'ya naman ng ngiti.

Nauna akong lumabas ng classroom kesa sa kan'ya. Hindi ako sumabay sa kanyang maglunch ngayon dahil usapan namin ni Prof. na sabay kaming kakain sa office n'ya.

"Arya!" Bubuksan ko na sana ang pinto ng office ni Prof. Salvatore ng biglang may tumawag sa'kin. Paglingon ko ay nakita ko si Ethan na papalapit sa'kin.

"Ikaw pala, Ethan. May kailangan ka ba?" Tanong ko nang makalapit s'ya sa'kin.

"Wala naman. Papunta na akong cafeteria tapos nakita kita dito kaya nilapitan na kita," sagot n'ya at bahagyang ngumiti sa'kin. "Anyway, naglunch ka na ba? Gusto mo sabay na tayo?"

"Ha? Uhm..." Hindi ko alam kung paanu ko s'ya tatanggihan without making him feel bad. Nag isip ako ng pwedeng gawing dahilan para tanggihan sana s'ya pero may naunang nagsalita sa'kin.

"She can't. We have important things to do. So, excuse her," biglang sagot sa kan'ya ni Prof. Salvatore. Pareho kaming nagulat ni Ethan sa biglang pagsulpot nito. Hindi namin namalayan na nakabukas na pala ang pinto ng office n'ya.

"Pas-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng higitin ako ni Prof. Salvatore papasok ng office n'ya. Agad nitong sinara ang pinto ng office kahit nandon pa si Ethan sa labas.

"Aray ko naman!" Singhal ko sa kan'ya pero hindi n'ya ako pinansin. Naglakad ito papunta sa swivel chair n'ya at pinagkrus ang mga braso habang nakatingin sa'kin ng seryoso.

Hindi naman ako nagsalita at nilabanan lang ang mga tingin niya.

"What's my first rule again?" Tanong nito sa'kin habang nakataas ang kilay. Sungit yarn?

Lumapit naman ako sa table n'ya at naupo sa harap nito.

"I'm not allowed to see any--"

"And you broke my rule." Mariin ang boses na pagputol nito sa sinasabi ko.

"Hindi ko naman sinasadya yon. T'yaka may mata ako kaya hindi ko talaga maiwasan na hindi makit—"

"You broke my rule," pag uulit nito. Hindi ako nagsalita at sinamaan lang s'ya ng tingin. Ang seryoso pa din ng mga tingin nito sa akin.

Maya maya pa ay tumayo ito at lumapit sa may pwesto ko. Inikot nito ang upoan ko para mapaharap ako sa kan'ya. Bahagya s'yang yumuko sa'kin at pinakatitigan ako.

"B-bakit?" Hindi ko maiwasang mautal dahil bukod sa sobrang lapit ng mukha n'ya at mariin din ang mga titig n'ya sa'kin.

"You deserve to be punished." Napalunok ako ng bumaba ang mga tingin n'ya sa labi ko. Ano na namang balak nitong masungit na 'to?

"Wa-wala naman a-akong kasalanan, ah!" Singhal ko sa kan'ya pero hindi n'ya iyon pinansin.

Hinawi nito ang buhok ko na nakaharang sa gilid ng mukha ko at inipit iyon sa likod ng tenga ko. Marahan n'yang hinaplos ang pisnge ko pababa sa jawline ko hanggang sa umabot ito sa leeg ko.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon