SERENITY's POV
Pagdating ko sa GU ay nakasalubong ko si Ethan. As usual malaki na naman ang ngiti nito ng lumapit s'ya sa'kin.
"Papunta ka na ba sa room mo, Arya?" Tanong nito ng makalapit sa'kin.
"Oo, magsisimula na kase ang klase ko," sagot ko naman dito. Hindi ako tumigil sa paglalakad kaya sumabay s'ya sa'kin.
"Samahan na kita," pagpepresenta nito na hinayaan ko naman.
Hindi pa man kami nakakalayo ay biglang may tumawag sa last name ko.
"Apostol."
Sabay kaming lumingon ni Ethan sa tumawag sa akin at nakitang si Professor Sungit pala iyon. Saglit nitong tiningnan si Ethan na nasa tabi ko bago ibinalik sa'kin ang tingin at nagsalita.
"Come with me," utos nito at nauna nang maglakad. Nilagpasan na kami nito.
Tumingin ako kay Ethan bago binigyan ng ngiting humihingi ng paumanhin. "Pasensya na pero mauna na ako sa'yo. Baka mapagalitan pa ako ni Professor pag hindi agad ako nakasunod sa kan'ya."
"Ayos lang, baka may iuutos sa'yo si Prof. Salvatore. Bilisan mo na't mukang hindi pa naman maganda ang mood non," may pagbibirong sagot naman ni Ethan sa'kin.
"Palagi naman e," pagsabay ko sa biro nito na ikinatawa naming dalawa.
"Kung sa bagay palagi nga," natatawa pang sagot ni Ethan.
"May dalaw siguro araw araw," pagbibiro ko pang muli na sana ay hindi ko nalang ginawa.
"Really, Apostol?"
Natigilan ako sa pagtawa at ganun din si Ethan na nasa tabi ko nang marinig namin ang boses ni Prof. Sungit. Marahan kaming lumingon dito bago ngumiti ng alanganin. Pinagtaasan naman kami nito ng kilay at nakakatakot ang tingin na ibinigay nito sa amin.
"B-biro lang po," nakayukong sabi ko.
"P-pasensya na p-po," nauutal din na paghingi ng tawad ni Ethan.
Hindi agad sumagot si Prof. Salvatore kaya hindi kami nag angat ng ulo. Maya maya pa ay narinig namin itong huminga ng malalim at nagsalita.
"Follow me, now." Mariin ang pagkakasabi nito bago kami tinalikuran. Hindi ko na pinansin si Ethan at mabilis nalang ma sumunod dito dahil baka mas lalo itong magalit sa'min, sa'kin.
Tahimik lang akong nakasunod sa kan'ya habang naglalakad s'ya. Hindi ko alam kung saan ang tungo n'ya pero hindi na ako nagtanong. Nanatili lang akong nakasunod dahil baka magalit pa ito lalo sa'kin.
Habang nasa hallway kami at naglalakad ay napansin kong madadaanan namin ang room ko. Pagtapat n'ya don ay huminto s'ya at humarap sa'kin. Masungit pa rin ang mukha n'ya pero hindi na nakataas ang kilay n'ya. Seryoso nalang ang mga tingin nito pero kahit ganun ay kinakabahan pa rin ako.
"Get inside," masungit na utos nito sa'kin. Nilingon ko ang pinto sa tabi n'ya, room namin ito.
"P-po?"
"Dito ang unang klase mo diba?" Tanong niyo at umango naman ako bilang sagot. "Kung ganun pumasok ka na sa loob, unless may pupuntahan ka pang iba. Meron ba?" Dagdag pa nito.
"W-wala po," nauutal na sagot ko at umiiling pa.
"Good." Iyon nalang ang tanging sinabi nito at iniwan na akong nakatayo sa labas ng room ko. Naglakad ito pabalik sa dinaanan namin kanina.
Teka? Hinatid n'ya lang ba ako dito?
Pinanuod kong maglakad pabalik sa dinaanan namin kanina si Professor Salvatore. Deretso lang ang lakad nito at hindi na lumingon pa. Hanggang ngayon ay hindi parin ako pumapasok sa room ko dahil inisip ko kung bakit n'ya ako hinatid dito. Anong problema non?
"Ang sexy ni Professor Salvatore no?" Nagulat ako ng may biglang bumulong sa'kin. Muntik pa akong mapatalon dahil don. Pagtingin ko ay si Shagie lang pala yon. "Masyado ka namang magugulatin," pagpuna nito sa reaksyon ko habang natatawa.
"Bigla ka nalang kaseng sumusulpot," sagot ko naman dito. Saglit lang ako nitong tiningnan at binalik ang tingin sa palayong professor namin.
"Nacurious kase ako kung hanggang kailan ka tutulala sa likod ni Professor Salvatore," sagot naman nito at pumasok na sa loob ng room. Hindi naman na ako sumagot at sumunod nalang din dito at naupo na sa upoan ko.
Hindi nagtagal ay dumating na ang professor naming si Professor Carnell. Sa pagkakaalam ko ay bestfriend ito ni Professor Salvatore. Matapos itong magdiscuss ay nagbigay ito ng quiz sa'min. Mabuti nalang at nakinig ako kaya nakasagot naman ako kahit papaanu.
Nang dumating ang lunch break ay may hindi kilalang estudyante ang lumapit sa'kin habang nasa cafeteria ako.
"Ikaw ba si Serenity Arya Apostol?" Tanong ito habang nakatingin sa'kin. Grabe, complete name talaga.
"Ako nga, bakit?"
"Pinapapunta ka ni Prof. Salvatore sa office n'ya mamaya pagkatapos ng klase mo ngayong tanghali," sagot nito sa'kin na ikinataka ko. Pati si Shagie ay halatang nagtataka din dahil nakatingin na din ito sa estudyanteng nasa harap ko na parang inaabangan nung ano pa ang sasabihin.
"Bakit daw?" Kuryosong tanong ko dito.
"Wala s'yang nasabi kung bakit. Napag utosan lang ako na sabihin iyon sa'yo."
"Sige, salamat." Hindi naman na nagtagal sa harap namin ang estudyanteng iyon at umalis na din.
"May kasalanan ka na naman ba?" Nagtataka pero may bahid ng pag aalala na tanong sa'kin ni Shagie nang makaalis ang estudyante sa harap namin.
Malungkot naman akong tumango sa kan'ya. "Nagbibiruan lang naman kami ni Ethan kanina."
"Ha? Bakit? Ano bang nangyari?"
Ikinuwento ko kay Shagie ang tungkol sa nangyari kanina. Natampal nalang nito ang sarili n'yang noo dahil sa kwento ko.
"Bakit naman kase hindi n'yo muna tiningnan kung nakaalis na bago kayo nagbiruan ng ganun?" Tila namomroblemang sabi nito.
"Nilagpasan n'ya na kami. Hindi naman namin alam na babalik pala s'ya," sagot ko naman sa kaniya.
"Para namang hindi niyo kilala si Professor Salvatore. Lagot kayong dalawa ni Ethan," sagot pa nito na mas lalong ikinakaba ko. Papagalitan niya kaya kami?
Pagkatapos naming kumain ni Shagie ay agad na akong nagpaalam sa kaniya. Abot abot ang nararamdaman kong kaba habang naglalakad papunta sa office ni Professor Salvatore. Hindi ko alam kung babagalan ko ba ang lakad ko o bibilisan. Iniisip ko palang na salubong na naman ang kilay niya habang matalim ang tingin sa akin ay kinakabahan na ako.
Nang matapat ako sa pinto ng office niya ay huminga muna ako ng malalim. Kakatok palang sana ako ng kusa nang bumukas ang pinto ng opisina niya.
Bumungad sa akin ang seryosong mukha ng professor kong masungit. Saglit muna kaming nagkatitigan bago ito umatras at sumenyas na pumasok ako sa opisina niya.
Nauna siyang maglakad pabalik sa upoan niya habang ako ay dahan dahan na nakasunod sa kaniya. Itinuro nito ang upoan sa harap ng table niya kaya walang ingay akong naupo roon.
Hinintay ko na maunang magsalita ito pero hindi iyon nangyari. Deretso lang ang seryosong tingin nito sa akin na hindi ko magawang salubongin.
"B-bakit niyo p-po ako p-pinatawag?"
"Naglunch ka na?" Halos magkasabay na tanong namin sa isa't isa.
"K-kakatapos lang po," sagot ko naman dito. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong pero sumagot pa rin ako.
"Ganun ba? Sayang..." Anito na hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi dahil halos pabulong nalang iyon.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...