SERENITY's P.O.V
"Okay lang 'yan. 'Wag mo masyadong isipin." I flinched when Shagie suddenly tapped my shoulder. Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito.
"Ano bang ginagawa mo dito?" Instead of answering my question, Shagie leaned her back beside the mirror. Nakatingin siya sa akin ng deretso.
"At least you tried," she added. Her voice has a sound of sympathy.
"Hindi mo man naipanalo, at least nilaban mo," dagdag pa nito. Hindi ko naman ito pinansin at tiningnan nalang ang kabuohan ko sa salamin.
"Ano bang —" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang magsalita na naman siyang muli.
"Naiintindihan kita...trust me, naiintindihan ko ang nararamdaman mo." Nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa mga pinagsasabi nito. Bigla nalang susulpot tapos kung ano anong sasabihin.
"I know you're sad. I know it hurts—" Hindi na ako nakatiis sa mga pinagsasabi nito kaya kinuha ko ang hair brush na malapit sa pwesto ko at itinapat sa bibig ni Shagie.
"Ano ba 'yan?! Kadiri!" Reklamo nito at umusog palayo sa akin.
"Ano ba kasing pinagsasabi mo?!" Singhal ko dito. Muli na namang nakisimpatya ang mukha niya.
"Mae told me na natalo ka sa pustahan niyo kahapon. Alam kong malungkot ka dahil natalo ang bente mo kaya gusto kong malaman mo na nandito lang ako para damayan ka—"
"Umalis ka na nga!" Akmang itutulak ko palang si Shagie palabas nang marinig ko ang boses ni Mae na papasok dito.
"Bilisan mo naman, Arya. Nakakahiya naman kung ikaw ang birthday celebrant tapos ikaw pa ang late diba?" Sinamaan ko ng tingin si Mae matapos ang sinabi nito. Nakitang nahihirapan nga akong maglakad dito sa suot kong gown. T'yaka di pa ako satisfied sa itsura ko.
"Wow, you look beautiful tonight, Arya." Hindi ko maiwasan na mahiya matapos akong purihin ni Ma'am Carnell na kakapasok lang din dito sa kwarto. Kasama kasi ito nila Shagie at Mae.
"But you're still the most beautiful girl for me, Rhaenyria Sire Carnell." Pasimple akong napangiti matapos ang sinabi ng pinsan ni Freen. Nakita ko namang pinamulahan ng pisnge si Ma'am Carnell.
"Shut up, Chiara Asher Gunn!" Singhal dito ni Ma'am Carnell na ikinakamot nalang nito sa ulo niya.
Birthday ko ngayon at nag prepare sila ng party for me. Actually, kahapon ko lang nalaman ang tungkol dito. Nagulat nalang kasi ako at may nagdeliver na ng gown dito.
Kasama ko sa van ang dalawa kong maingay na kaibigan at ang dalawang pinsan and bestfriend ni Freen na kanina pa nagbabangayan. Hayss! Bakit kasi pinasama pa tong mga to?
"Bilisan mo na, Arya." Sinamaan ko ng tingin si Shagie matapos ako nitong pagmadaliin kahit nakikita niya namang ang hirap maglakad dahil dito sa gown ko.
"Careful," sambit ni Ma'am Carnell. Silang talo nila Mae ay inaalalayan akong bumaba at inaayos ang gown ko habang si Shagie naman ay nanunuod lang sa amin.
Hindi ko maiwasang mamangha kahit ang nakikita ko palang ay ang bungad ng venue. Sobrang ganda at ang liwanag kahit gabi na. Marami kasi ang ilaw at na talagang lalong nagpaganda sa lugar.
"Anak..." Huminto ako sa paglalakad nang salubongin ako ni Mama. Nasa likod nito si Papa na nakangiting nakatingin sa akin.
"Mama, anong problema?" Hindi ko naitago ang pag aalala nang makitang naiiyak ang mukha ni Mama.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...