FREEN's P.O.V
This is it, Freen.
I let out a deep sigh bago pumasok sa kabilang room kung nasaan ang make up artist na mag aayos sa akin. Today is our wedding day, maya-maya lang ay ikakasal na kami ni Cayla.
"What's with that face? Parang hindi ka man lang nakapag beauty rest, sobrang excited mo masyado," natatawang komento ni Rhae nang makita ang mukha ko. Hindi naman ako sumagot at inirapan lang siya. Dumeretso na ako sa harap ng salamin at naupo na.
"Ay ang sungit naman. Ngumiti ka naman, Freen. Wedding day mo 'to, in case you forgot," dagdag pa nito habang tumatawa. Pati ang make up artist na nag aayos sa kaniya ay natawa na rin.
"Why are you here? Nakishare ka pa sa'kin dito, ang ingay-ingay mo, Rhae." Muli siyang natawa sa sinabi ko na akala mo'y nagbibiro lang ako.
"Sa lahat ng ikakasal ikaw lang ang badtrip. Don't tell me you already changed your mind?" Hindi ko naiwasan na mainis dahil sa biro nito. Padabog akong tumayo at naglakad papuntang pinto.
"I wouldn't be here if I already changed my mind," sambit ko at lumbas muna ng room. Narinig kong nagreact ang make up artist na dapat mag aayos sa akin pero hindi ko sila pinansin.
Bumalik ako sa room kung saan ako natulog kagabi at dumeretso sa banyo. I leaned my arms on the sink at mariin na tinitigan ang sarili sa salamin.
Why am I feeling this way?
I shouldn't feel this way.
Hindi ko maiwasang magalit sa sarili ko dahil sa nararamdaman at mga tumatakbo sa isip ko. It's my wedding day, I'm getting married to Cayla. Siya dapat ang iniisip ko. Siya lang dapat.
I glared at my reflection on the mirror when I saw that the lower part of my eyes had darken. Halatang hindi nakatulog ng maayos kagabi.
"What's happening to you, Freen?!" Para akong tangang sinisermonan ang sarili.
"It's Cayla who you're getting married with...not Arya. Stop thinking about her!" I almost yelled at my own reflection on the mirror. But whatever I do, whatever I said, I always ended up thinking about Arya.
"Damn it!" Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil pakiramdam ko ay niloloko ko na si Cayla.
I hate myself for feeling this way. Ayokong masaktan ang fiance ko. She doesn't deserve this.
Naramdaman ko ang pamumuo ng mga luha sa mga mata ko habang iniisip ang mararamdaman ni Cayla if ever she finds out about this. Alam kong masasaktan siya kapag nalaman niyang nagdadalawang isip na ako tungkol sa nararamdaman ko sa kaniya.
Cayla accepted everything about me. She was there at my lowest. She never leaves me, instead she stayed and helped me to move forward kahit sobrang hirap. Hindi ko kayang suklian ng sakit ang lahat ng ginawa niya para sa akin. She's too pure and precious, she doesn't deserve any kind of pain in this world.
"F-freen?" I tried to hide my face para Hindi makita ni Rhae na umiiyak ako, but it's too late. Her eyes widened the moment she saw that I'm crying.
"Oh my god. What happened?" Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap ako. I tried hard to stop myself from crying, yet the moment I felt Rhae's warm embrace, hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha mula sa mata ko.
"I-it's okay... it's okay, Freen." Rhae tried to calm me down pero hindi ko mapigilan na umiyak. Hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...