SERENITY's POV
"Arya?!" Huminto ako sa pagwawalis sa gilid ng bahay namin nang marinig ko ang boses ni Elle na tinatawag ako. Iniwan ko muna ang walis at nilapitan ito.
"Bakit, Elle? May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kan'ya pero umiling ito sa akin.
"May naghahanap kase sa'yo. Sinamahan ko nalang dito," sagot nito sa akin na nagpakunot ng noo ko.
"Sino?"
"Hindi ko kilala pero mukang mayaman. Ayon oh," sagot nito at tinuro ang isang sopistikadang babae na nakatayo sa tabi ng isang magarang sasakyan. May kasama itong katulong na pinapayungan s'ya habang mukang driver n'ya naman ang nasa kaliwa.
Nang makita nitong nakatingin kami sa kan'ya ay naglakad na s'ya papalapit sa amin.
"M-magandang umaga po. Ano pong kailangan n'yo?"
Tumingin sa akin ang babae at hindi ko maiwasang mahiya dahil sa itsura ko. Medyo pawisan pa ako dahil sa pagwawalis.
"Are you Serenity Arya Apostol?" Medyo nagulat pa ako nang banggitin nito ang buong pangalan ko pero tumango rin ako bilang sagot. "Can we talk?"
"Uh..."
"It won't be long. Can we get inside?" Tanong pa nito at sinulyapan ang bahay namin. Medyo nahihiya ako sa kan'ya pero tumango na din ako at inaya itong pumasok sa loob ng bahay namin.
Kaming dalawa lang ang nandito sa loob at hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil sa paraan ng pagtitig n'ya sa akin. Hanggang ngayon hindi pa rin s'ya nagpapakilala.
"You look young," puna nito sa akin kaya ngumiti naman ako ng pilit.
"T-thank you po," nahihiyang sagot ko.
"How old are you?" Kalmado ang boses n'ya pero pakiramdam ko ay tunog strikta iyon.
"Twenty po," magalang na sagot ko. Hindi ko pa rin maiwasang hindi mahiya lalo pa't sobrang gara ng suot niya tapos ako nakapangbahay lang, amoy pawis pa.
"Hmm... Still young." Anito habang pinagmamasdan pa rin ako. "Anyway, I'm Freen's mom."
"P-po?" Ang kaninang hiya ko ay parang dumoble nang bigla itong magpakilala na mommy ni Freen. Bigla pa akong kinabahan. Hindi ko iyon naisip kanina dahil masyado pa s'yang bata kung titingnan.
"I'm the mother of your girlfriend." Mas lalo pa akong nilamon nang kaba nang mabanggit nito ang relasyon namin ni Freen. Parang gustong kong mag time freeze kahit saglit.
"P-pasensya na po. H-hindi ko po kase a-alam," paghingi ko nang tawad dahil hindi ko agad nalaman na mommy pala s'ya ng girlfriend ko. Bigla akong natakot na hindi ko maintindihan.
"It's fine. Anyway, I'm here to talk to you about your relationship with my daughter. I'm hoping that you won't tell her about this," anito sa kalmado pa ring boses pero iba ang pakiramdam ko. Parang....
"S-sige po."
Hindi agad s'ya nagsalita at inilibot ang tingin sa buong bahay namin. Pakiramdam ko ay hinuhusgahan n'ya ang bahay namin at kung anong klaseng tao ako. Bigla tuloy akong nakaramdam ng panliliit. Kung ikukumpara kasi ang bahay namin sa bahay nila ay walang wala ito. Kahit siguro ang banyo nila ay mas malaki pa sa bahay namin.
"Gaanu na kayo katagal ng anak ko?" Tanong nito nang ibalik n'ya ang tingin sa akin.
"M-mag iisang bu-buwan palang po," nauutal na sagot ko. Kinakabahan pa rin kasi talaga ako. Ni hindi ko alam kung anong pakay niya sa pagpunta dito.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...