FREEN's POV
I checked myself on the mirror for the last time before getting my purse and walked out of my room. Tonight is the acquaintance party and I'm wearing a nude off shoulder slim evening dress.
The party will start at exactly 7:00 pm in the evening and it's just 6:00 pm. Meaning, I still have one hour before the party will start.
Pagpasok ko sa kotse ko ay nagdrive na agad ako papuntang GU. Gladly, walang masyadong traffic. Pagpasok ko palang sa venue ay sinalubong na agad ako ng bestfriend kong si Rhae. She's wearing a red one shoulder dress na hapit na hapit sa katawan n'ya. Hindi ko maisawang mapangiti nang umikot pa ito sa harap ko para ipakita sa'kin ang kabuohan ng suot n'ya.
"What do you think?" Nakangiting tanong nito sa'kin at kumindat pa.
"I think, you look pretty tonight," sagot ko na ikisimangot naman n'ya.
"Just for tonight?" Malungkot kunwaring tanong n'ya sa'kin na mas lalo kong ikinatawa.
"Yes," pang aasar ko sa kan'ya kaya mas lalo s'yang napasimangot.
"Whatever, Freen, let's get inside."
Sabay kaming pumasok sa loob ni Rhae. Binati agad ako ng ilang estudyanteng nakakita sa'kin at ibang kapwa namin professor. Ngumiti nalang ako at bumati din sa kanila pabalik.
Masayang nag uusap sina Rhae at ang ibang kapwa namin professor habang ako ay inililibot lang ang paningin ko para hanapin kung nandito na ba si Arya. I texted her bago ako umalis kanina but I didn't receive a reply from her. Pinatayan rin ako nito ng tawag kagabi. Nang tawagan ko ulit ay hindi na nito sinasagot. What's her problem?
"Excuse me, ladies. I need to use the restroom." Matapos akong magpaalam sa kanila ay naglakad na ako papuntang restroom. Medyo marami na ang nandito pero hindi ko pa rin makita kahit anino ni Arya.
Habang inaayos ko ang itsura ko sa salamin ay naramdaman kong may pumasok. I took glance at whoever enters the restroom at ganun nalang ako matigilan nang makita kung sino iyon.
It's Arya, looking so stunning on her nude elegant dress na fitted sa katawan n'ya. Damn...she really has a sexy body.
Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha nito. This is the first time I saw her wearing make up. And I can say na may make up man o wala ay talagang napakaganda n'ya.
Lumapit ito sa tabi ko at sinuri ang sarili sa salamin. Wala akong ibang ginawa kundi ang panuorin lang s'ya. Maya maya pa ay tumingin ito sa'kin pero agad ring nag iwas.
I was expecting her to talk to me o kahit batiin man lang ako pero hindi nito ginawa. Lumabas na ito ng restroom nang hindi man lang ako pinapansin. Seriously?
Agad akong sumunod sa kan'ya sa labas ng restroom at nakitang naghihintay roon ang date n'ya.
"Arya." I called her name that makes her stop. Lumingon s'ya paharap sa'kin na may malamig na tingin? The fvck? What's wrong with her? "Can I have a second with you?"
Mukang nagdadalawang isip s'ya pero pumayag pa din s'ya. She talked to the boy beside her dahilan para tumango ito at mauna nang umalis.
"May kailangan po ba kayo sa'kin?" I can feel the coldness in her voice. Damn. I don't like it when she talk to me like that.
"What's wrong with you? Did I do something wrong? Are you mad at me? Are you avoiding me?"
Sandali itong nagulat sa mga tanong ko pero muli ring bumalik ang mukha n'yang walang reaksyon.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...