FREEN's P.O.V
"Where's Cayla?" I asked Dad as soon as I step out my car. Pag uwi ko kasi kanina sa condo ay hindi ko ito naabotan. I texted her about her whereabouts and she replied that Mom invited her for lunch.
"She's with your Mom. I think they're in the kitchen," Dad replied. He's busy doing something on his car. Hindi naman na ako tumugon at dumeretso na sa loob.
The maids greeted me and I just smiled at them. Pagpasok ko sa kusina ay natanaw ko agad si Mom and Cayla na mukang nagluluto.
"Anong meron?" Both of them turned to me with a smile on their faces. Mukang nag eenjoy silang dalawa sa ginagawa nila.
"Hi, Love. Wanna join us?" Cayla smiled at me so I smiled back.
"Cayla is teaching me how to cook," Mom answered without the smile leaving her face.
"Hmm..what are you cooking?" I walked to their direction to see kung anong niluluto nila. The curry-esque smell of chicken tikka masala filled my nose.
"Tita told me that she wants to learn how to cook her favorite chicken tikka masala, so naisip kong turuan siya," Cayla answered.
"Mukang masarap," I commented that made Cayla laughed softly.
"Of course, kami kaya ang nagluto," she replied wearing a smile that shows how proud she is. Napangiti nalang tuloy ako.
I decided na iwan muna silang dalawa sa kusina para mas makapagfocus silang dalawa. Bumalik nalang ako sa sala at tinawagan si Rhae. May lakad kasi kami nito ngayong hapon.
"Papunta ka na ba?" Rhae asked on the other line. Wala man lang greetings, tanong agad.
"About that...baka medyo malate ako." I heard Rhae sigh pero hindi naman ito nagalit.
"Okay, ako nalang ang bahalang magsabi. Basta siguradohin mong pupunta ka pa rin, baka gusto mong ako na ang magpasukat para sa susuotin mo." Mahina akong natawa sa sinabi niya.
"Pupunta ako."
Kailangan kong pumunta mamaya do'n sa shop kung saan ako susukatan ng damit na susuotin ko for the wedding. Actually, noong isang araw pa dapat, but I was busy kaya ngayon nalang. Inuna nalang sukatan ang iba. Nahuli rin palang sukatan si Rhae dahil busy din siya kaya sabay nalang kami.
I had lunch together with my parents and my fiance. Natutuwa ako kahit papaano dahil nakikita kong maganda ang pakikitungo nila sa isa't isa. Sana noon palang gano'n na si Mom.
Pagkatapos non ay nagpaalam na rin agad ako sa kanila na aalis na. Nagpaiwan naman si Cayla kasi she wants to spend more time with Mom daw. Pumayag rin naman agad ako dahil nakikita kong mukang close na talaga sila.
Pagpasok ko palang sa loob shop ay nakita ko na agad si Rhae na may kung anong pinipindot sa phone niya. Sigurado akong tinatadtad na ako nito ng text messages. Mabuti nalang at naka silent mode ang phone ko.
"Rhae..." She put down her phone the moment she saw me. Napairap ito sa kawalan bago lumapit sa akin.
"Mabuti naman dumating ka na. Masyado kang pa-special. Kanina pa ako dito oh," pagrereklamo nito na inirapan ko nalang din. Masyado kasi siyang excited sinabi ko naman na baka malilate ako sa usapang oras namin.
"Grabe, ikakasal ka na. Sigurado ka na ba talaga dito?" Sinamaan ko ng tingin si Rhae dahil sa tanong nito pero nagkibit balikat lang siya. Maya maya pa ay hinila na ako nito para masukatan na.
After kong masukatan ay nag aya muna si Rhae na samahan ko siya sa mall. Pumayag naman ako since I don't have any other things to do. Maaga pa naman and sigurado akong kasama pa ni Cayla si Mom.
"Are you excited?" Rhae asked out of nowhere. Papasok na kami ngayon sa mall para bilhin kung anong kailangan niyang bilhin.
"No, wala naman akong bibilhin sa mall. As far as I can remember inaya mo lang ako na samahan ka." Rhae laughed because of what I've said. Napasalubong tuloy ang mga kilay ko habang nakatingin sa kaniya na mukang baliw na natatawa.
"Silly! I'm not talking about that. I'm referring about your up coming wedding. Are you excited?" If Rhae asked me this question before, I probably replied yes immediately. But I don't know now... I mean, I'm certain that I will marry Cayla. But pakiramdam ko parang ang bilis bigla ng mga nangyayari. It also feels like there's something that's stopping me from saying yes.
"Hindi mo talaga masasabi ang panahon 'no? Akala ko dati hindi ka na mag aasawa sa sobrang pagkabitter mo non, pero tingnan mo naman ngayon oh. Ikakasal ka na habang ako single pa rin. Kainis, napag iiwanan na ako." Hindi ko alam kung natutuwa ba talaga siyang ikakasal na ako o ano. Nakakunot na kasi ang noo niya at hindi maipinta ang mukha.
"Wala na ba kayo ng pinsan ko?" Mas lalong sumama ang timpla ng mukha nito dahil sa naging tanong ko.
"Wala naman talagang kami," parang inis na sagot nito pagkatapos ay binilisan ang lakad. Napailing nalang ako at binilisan na lang din ang paglalakad para makahabol sa kaniya.
Rhae and I decided na magmeryenda muna bago kami umuwi. Pagdating ko sa condo ay wala pa rin si Cayla. Hindi ko na ito sinundo dahil may dala naman siyang kotse.
I got bored waiting for her kaya naisipan kong magluto nalang ng ulam for dinner. Puro meats ang kinakain namin nitong mga nakaraang araw kaya naisipan kong gulay nalang ang lutoin ngayon. Hindi naman ako masyadong magaling magluto but being with Cayla for almost five years ay natuto na rin ako kahit papaano.
Abala ako sa paghahalo ng niluluto ko nang marinig kong may pumasok sa kitchen. I took a slight glance to who it was and smiled when I found out that it's Cayla.
"Anong niluluto ng maganda kong fiance?" Natawa ko nang marinig ang sinabi nito. Malumanay ang boses niya na parang naglalambing.
"Vegetable para healthy," nakangiting sagot ko. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya mula sa likod ko. Bahagya niyang isiniksik sa leeg ko ang mukha niya.
"Hindi pa ako naliligo," natatawang sambit ko. Mahina lang siyang umiling at hindi sumagot.
"I love you, Freen," she softly whispered. Napangiti lang ako at hindi sumagot. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin.
"I love you," she repeated. Mahina pa rin ang boses niya at parang biglang nagtunog malungkot iyon.
"I..." I feel like there's a lump in my throat that stops me from saying what I was about to say.
"I love you, Love." Cayla's voice gets weaker and hindi ko maintindihan kung bakit. Sinubukan ko siyang iharap sa akin pero nagmatigas siya. Hinigpitan niya ang yakap at mas isiniksik pa ang mukha sa leeg ko.
"I-I love you too..." Hindi siya nagsalita matapos akong sumagot. Ilang saglit siyang natahimik bago inalis ang mukha niya sa pagkakasiksik sa leeg ko. Ipinatong nalang nito ang ulo niya sa balikat ko.
"Is that a bitter gourd?" Cayla asked. Ngumiti naman ako at marahang tumango. Natutunan ko kung paano ito lutoin sa internet.
"Yup, you like bitter gourds, right?" I replied, nakangiti pa rin. I'm sure she'll like this. Sinigurado ko talagang masarap ang timpla nito para naman marami siyang makain mamaya.
"Huh? Sinabi ko ba 'yon sa'yo?" Bakas ang pagtataka sa boses niya kaya napakunot ang noo ko. I tried to remember kung nabanggit niya ba 'yon, but I can't think of a specific situation where in she said that she likes bitter gourd.
"Ahm...but you like this, right?" Kahit ako ay hindi na rin sigurado sa sinasabi ko. Hindi niya ba talaga gusto 'to?
"No, love. I'm allergic to bitter gourd."
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...