SERENITY's POV
Maagang umalis sina mama at papa para magbantay ng pwesto namin sa palengke at mamasada. Si Saffary naman ay maaga ring pumunta sa skwelahan nila kaya ako lang ang mag isang naiwasan sa bahay.
Pagkatapos kong kumain ay naghugas muna ako ng mga pinggan. Mamaya ay magwawalis na ako dahil kailangan ko pang maglaba. Bukas kase ay hindi ako makakapaglaba dahil may usapan kami ng mga kagrupo ko. May project kase kaming gagawin. Kung Sunday naman ako maglalaba ay baka hindi matuyo ang mga uniform namin ni Saffary.
Nang matapos na akong magwalis ay kinuha ko na ang mga labahan at dinala sa may likod ng bahay namin. Nandoon kase ang poso namin kaya doon ako naglalaba. Dito kami kumukuha ng tubig dahil dito ay walang bayad, kung sa gripo naman kase may bayad pa.
Kinuha ko na ang malaking planggana at nagsimula nang bumbahan ang poso. Nang mapuno na iyon ng tubig ay sinimulan ko nang basain ang mga damit. Medyo marami ang lalabhan ko dahil ilang araw rin akong hindi nakapaglaba.
Sa kalagitnaan ng paglalaba ko ay nakarinig ako ng kung anong ingay mula sa loob ng bahay namin. Nagtataka akong tumayo at naglakad papasok sa loob. Wala naman kase akong alagang pusa o kung anong hayop dito. Wala rin akong kasama kaya hindi ko maiwasang magtaka kung ano ang pinagmulan ng ingay na 'yon.
Pagpasok ko sa loob ay wala naman akong nakitang kakaiba maliban sa pinto ng bahay namin na ngayon ay nakabukas na. Sigurado akong sinara ko yon kanina kaya hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng kaba.
Dahan dahan akong naglakad papunta don para isara sana ulit 'yon nang mapansin ko ang pamilyar na magarang kotse na nakaparada sa harap ng bahay namin. Bakit nandyan yan?
"The door isn't lock kaya pumasok na ako."
Muntik na akong mapatalon sa gulat ng biglang may magsalita. Pagtingin ko sa likod ko ay tumambad sa'kin ang professor kong masungit na prenteng nakaupo sa upoan naming kawayan.
"B-bakit ka nandito? Tyaka hindi ba uso ang pagkatok sa inyo?" Tanong ko dito. Medyo nautal pa ako dahil hindi pa ako makarecover sa pagkagulat.
"I told you that I'll pick you up today," kaswal na sagot nito.
"Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ko. Tinanong ko na rin iyon sa kan'ya kahapon pero sinagot n'ya lang ako ng "do I have to explain to you why?". Aba malamang, susundoin n'ya ako tapos hindi n'ya sasabihin kung bakit.
"We're going to buy our dress," sagot nito at tumayo palapit sa'kin.
"Change your clothes," utos nito sa'kin pero umiling ako.
"Hindi pa kita masasamahan ngayon dahil may ginagawa pa ako."
Binigyan ako nito ng kunot noo looks n'ya. Itinaas ko naman sa harap n'ya ang kamay ko na may mga bola pa.
"Naglalaba pa ako kaya mamaya nalang. Pero kung hindi ka na makapaghintay pwede namang ikaw nalang ang bumili," sabi ko na mas ikinakunot ng noo n'ya.
"I don't want to wait long, finish your laundries now," utos nito sa'kin kaya ako naman ang nagkunot ng noo sa kan'ya.
"H'wag mo akong utosan ng gan'yan, baka nakakalimutan mong nandito ka sa pamamahay ko. Kahit sungitan ako ay hindi dito pwede," sagot ko dito at naglakad na pabalik sa poso para ipagpatuloy ang paglalaba.
"Why not? I'm your professor," pagmamatigas nito kaya hinarap ko ulit s'ya.
"Wala tayo sa school. Uulitin ko, nandito ka ngayon sa bahay ko," pagsusungit ko kunwari sa kan'ya. Nakakatawa kase ang mukha n'ya dahil mas lalong nakukunot ang noo n'ya.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...