MMP-34

12.2K 338 68
                                    

SERENITY's POV


"Doon nalang kaya tayo sa bahay niyo, Sha," suhestyon ni Mae paglabas namin ng room. Pinag uusapan kase namin kung saan kami gagawa ng group project namin.

"Pwede naman para hindi masyadong malayo kila Jane," pag sang ayon naman nito. "Okay lang ba sayo 'yon, Arya?"

"Oo naman. Hindi naman gaanung malayo sa amin ang bahay niyo," pag sang ayon ko na rin.

"Sige, fixed na 'yan, ah. Doon na tayo kila Sha gagawa," Ani Mae na tinanguan naman namin.

"Itext niyo nalang ako kung anong oras tayo gagawa. Mauna na ako sa inyo. Naghihintay na kase yung sundo ko sa labas," paalam ni Jane sa amin at nauna nang maglakad paalis.

"Ako din mauna na sa inyo," paalam din ni Mae at umalis na din.

"Dadaan ka pa ba sa office ni Professor Salvatore?" Baling na tanong sa akin ni Shagie nang makaalis na ang dalawa. Tumango naman ako sa tanong nito at nagsimula nang maglakad. Sumabay naman sa akin si Shagie.

Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa office ni Freen ay biglang nagring ang cellphone sa bulsa ko. Agad kong kinuha iyon at sinagot nang makitang si Elle ang caller.

"Napatawag ka El--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang balitang ibinungad sa akin ni Elle. Napahinto ako sa paglalakad at nagsimulang manginig sa kaba ang mga kamay ko dahil sa sinabi nito.

"Arya?" Pagtawag nito sa pangalan ko sa kabilang linya nang hindi ako nakapagsalita.

"N-nasaan ka-kayo?" Kahit nanginginig ang mga kamay at boses ko ay nagawa ko na ring magsalita. Nagsimulang mag init ang mga mata ko dahil sa naiisip ko.

"Nandito na kami ngayon sa St. Joseph Hospital. Bilisan mo nalang at pumunta ka na dito."

Hindi na ako sumagot at mabilis na bumalik sa dinaanan namin kanina.

"Arya!" Hindi ko na pinansin ang sigaw ni Shagie at ang mga pagtawag nito. Patuloy lang ako sa pagtakbo nang mabilis pababa ng building. Ang nasa isip ko lang ngayon ay kailangan kong makapunta sa hospital ng mabilis.

"Sa St. Joseph Hospital po manong," ang sabi ko sa driver nang makapasok ako sa taxi nito. Agad namang umandar ang taxi nito papunta don.

Halos maiyak iyak ako habang nakatingin sa mga dinadaanan namin. Pakiramdam ko ay sobrang bagal ng takbo ng taxi kahit hindi naman. Pakiramdam ko ay ang daming oras ang nasasayang.

"Manong, hindi po ba pwedeng pakibilisan pa ng konte?" Nakikiusap na sabi ko sa driver nang taxing sinasakyan ko. Gusto ko na talagang makarating sa hospital.

"Pasensya na po, Ma'am, pero hindi po pwede. Baka mahuli tayo sa violation na over speeding," sagot naman ng driver kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang ito.

Nagdarasal ako sa isip ko na sana ay maayos lang ang lagay ni Saffary. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag may nangyaring hindi maganda sa kapatid ko. Hindi ko pa alam kung ano talagang nangyari sa kaniya. Ang sinabi lang sa akin ni Elle ay naaksidente ito at malala ang lagay niya.

Jusko. Pinunasan ko ang mga luhang kumawala mula sa mga mata ko. Hindi ko lubos maisip kung anong lagay ngayon ng kapatid ko.

"Bayad po, Manong." Mabilis akong lumabas ng taxi na sinasakyan ko nang makarating ako sa hospital. Agad akong tumakbo papasok para hanapin kung nasaan ang kapatid ko.

Saktong pagpasok ko naman ay nahagip agad ng paningin ko si Elle kaya mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya.

"Nasaan ang kapatid ko?" Puno nang pag aalalang tanong ko sa kaniya. Medyo nagulat pa ito sa akin.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon