MMP-13 🔞

22.1K 515 45
                                    

SERENITY's POV



"Nandyan ka na pala, Anak—sino 'yang kasama mo?" Bakas ang gulat at pagtataka sa mukha ni mama nang makita kung ang babaeng naka sablay ang kamay sa balikat ko at mukang tulog na.

"Professor ko sa school, mama. Nalasing sa bar na pinagtatrabahoan ko at hindi na makauwi kaya sinama ko na muna dito," sagot ko naman kay Mama.

Lumapit naman sa'min si Mama at tinulungan akong alalayan si Prof. Sungit. "Mabuti pa doon na natin s'ya ibaba sa kwarto mo para makahiga na s'ya," suhestyon ni Mama habang tinutulongan ako.

"Sige po."

"Ayos lang ba talaga na dito mo s'ya dinala? Sa itsura nitong professor mo mukang hindi sanay sa ganitong lugar. Napakagandang babae at mukang mamahalin ang mga damit at gamit, baka hindi ito sanay sa ganitong lugar," may pag aalalang sabi ni Mama. Umiling naman ako sa sinabi nito.

"Hindi 'yan, Ma, alam n'ya naman na ganito ang bahay natin. Tyaka mas okay na to kesa sa kalsada s'ya matulog," sagot ko at sabay naming binaba sa higaan si Prof. Sungit. Medyo bitin pa sa kan'ya ang haba ng maliit kong kama dahil masyado s'yang matangkad.

"Hmmm.." anito ng ibaba namin s'ya sa higaan ko.

"Maiwan ko na kayo, anak. Magbihis ka na para makapag pahinga ka na din. Magbanig ka na lang dito sa sahig dahil hindi naman kayo kakasya ng professor mo d'yan sa higaan. Tyaka mas lalong nakakahiya kung tatabi ka pa sa kanya e ang liit liit na nga ng kama mo," Ani mama bago lumabas ng kwarto ko.

Agad naman akong nagbihis ng pantulog at nagbanig sa lapag. Kinuha ko ang kumot ko sa higaan ko at kumuha ng bagong kumot para kumotan si Prof. Sungit.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang mukha n'ya habang tulog na tulog sa higaan ko. Natatawa nalang ako kapag dadako ang tingin ko sa paa nyang medyo lagpas sa kama ko.

"Bakit ang ganda mo, Prof?" Wala sa sariling usal ko habang nakatitig dito.

Nang marealize ko ang sinabi ko ay mabilis akong nag iwas ng tingin sa kan'ya kahit tulog naman s'ya. Andito na naman yung malakas na kabog ng dibdib ko.

Pinilit kong h'wag magpaapekto sa presensya ng professor kong natutulog. Nahiga nalang ako sa banig ko at pinilit ang sarili na matulog.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may sumagi sa paa ko. Pagdilat ko ng mata ay naaninag ko ang babaeng nakatayo sa may paanan ko.

"Prof?" Inaantok na pagtawag ko dito. Lumingon naman ito sa'kin at doon luminaw ang paningin ko. Si Prof. Sungit nga. "Bakit, Prof? May kailangan ka ba?"

"I need to pee," inaantok na sagot nito sa'kin.

Bumangon naman ako sa pagkakahiga at binuksan ang ilaw. Sinamahan ko din ito palabas ng kwarto ko at tinuro sa kan'ya ang banyo.

"Where's the flash, Arya?"  Rinig kong tanong nito mula sa loob ng cr kaya napatawa ako ng mahina. Wala naman kaseng flash ang Cr namin.

"Gamitin mo 'yung tabo, Prof. Sumaldok ka ng tubig sa balde tapos ibuhos mo," sagot ko mula sa labas ng banyo.

Rinig ko mula sa labas ang pagbuhos nito hanggang sa buksan nito ang pinto at lumabas na.

Nauna na itong bumalik sa kwarto ko kaya sumunod naman ako dito. Naabotan ko itong nakaupo na sa kama ko habang hinihilot ang sentido n'ya.

"Matulog ka na ulit, Prof."

Papatayin ko na sana ang ilaw ng kwarto ko ng bigla s'yang magsalita.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon