SERENITY's P.O.V
"Ano? Naintindihan mo ba?" Hinarap ko si Mae nang marinig ko itong magsalita. Tumango lang ako sa kaniya bilang sagot.
Nakabalik na kami ng Manila at syempre balik trabaho na rin. Simula ng gabing 'yon ay hindi ko na ulit nakita at nakausap si Freen. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maiwasan na isipin siya. Halos bawat oras na lumilipas ay siya ang naiisip ko.
"Hindi ka naman ata nakikinig sa 'kin." Nakita kong salubong na ang kilay ni Mae habang nakaharap sa akin.
"Nakikinig ako," sagot ko naman kahit ang totoo ay hindi ko talaga masyadong naintindihan ang sinabi niya.
"Okay. Basta maghanda ka na kasi imemeet natin sila this afternoon. Rush 'to kaya kailangan talaga nating paglaanan ng oras." Hindi na ako nagsalita at tumango nalang kay Mae. Wedding coordinator kasi kaming dalawa and we need to work together para sa nalalapit na wedding ng isang customer namin.
Nang makaalis si Mae ay muli na namang lumipad sa kawalan ang isip ko. Hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin sa utak ko ang sinabi ni Freen ng gabing 'yon.
Ayaw tanggapin ng puso ko ang sinabi ni Freen pero hindi naman ito mawala sa utak ko. She already has a fiance, hindi na dapat ako umasa at maghabol sa kaniya.
Madaling sabihin pero sobrang hirap gawin. Pakiramdam ko ay natatanga ako sa nararamdaman ko. Alam ko naman kung anong dapat kong gawin pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Hanggang ngayon ay Nate-tempt akong maghabol at umasa kay Freen kahit malinaw naman na wala na.
Maybe I was really stupid for thinking na after five years ay pwede pa rin kami. Nakakatawa kasi dapat sa loob ng limang taon na 'yon ay nakamove on na kami pareho, pero hindi gano'n e. Ako yung nagtaboy pero pakiramdam ko ako 'yong naiwan.
"Sasabay ka ba sa 'kin?" Mae asked habang palabas kami ng building.
"No, I have my car with me," sagot ko naman na ikinatango niya.
"Sige, magkita nalang tayo do'n."
Sa loob ng limang taon ay nagawa kong makapagtapos at maiahon ang pamilya ko sa hirap. Pero sa tagal ng panahon na yon ay hindi ko man lang naiahon ang sarili ko sa pagmamahal na mayroon ako kay Freen. Stupid, Arya.
Siguro deserve ko naman 'to. Freen did everything for me, but I was too stupid to leave her. I was too stupid for making a decision na pagsisisihan ko rin pala.
Pagdating ko sa restaurant kung saan namin imemeet ang client namin ay dumeretso na agad ako sa loob. Naunang dumating si Mae sa'kin kaya ipinakilala na ako nito sa client namin.
"Nice too meet you too, Cayla." Mabait ang client namin at ayaw nitong masyadong formal kami kung mag usap. Mas maganda rin ang gano'n kasi sa tingin ko ay mas mapag uusapan namin ng mabuti yung preparation for their wedding kung magiging magaan lang ang usapan namin.
"Pwede bang hintayin muna natin ang fiance ko? Medyo busy kasi siya tapos naipit pa sa traffic kaya medyo nahuli siya. Pero ang sabi naman niya ay malapit na raw siya dito," pakiusap ng client namin. Akala ko siya lang ang makikipag usap sa amin pero nalate lang pala ang fiance niya.
"Sure, wala pong problema." Si Mae na ang sumagot dito.
Nag usap usap lang muna kami about minor details ng gusto niyang wedding habang hinihintay ang fiance niya.
"Nandito na siya," nakangiting sambit nito matapos sulyapan ang phone niyang tumunog.
"Ayan na pala," dagdag pa nito habang nakatingin sa likorang parte namin.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...