FREEN's P.O.V
It's been a week since the burial of Saffary. It's obvious that Arya is still not fine about that, but she's keeping her best to accept and continue life even after that.
"Kumain ka ng marami. Ang payat payat mo na," puna ko habang nakatitig sa katawan niya. She's here in my office since it's lunch time. As usual, sabay ulit kaming kumain. "You should take good care of yourself always. Baka magkasakit ka."
"Shhhh... Inaalagaan ko naman ang sarili ko. Masyado lang talaga akong maraming ginagawa ngayon," sagot nito sa akin.
"But you should have enough rest."
Hindi naman agad siya sumagot at malungkot na ngumiti sa akin. "Alam mo namang marami akong kailangang habolin. Isa pa finals na next week."
"Tsk. Just let me help you do your school activities."
"Hindi na. Kaya ko na yon."
She have a lot of absences kaya marami siyang hinahabol. I volunteered to help her but she don't want me to. She keep on insisting na kaya niya na iyon, but it's pretty obvious that she's having a hard time doing those activities. She barely even rest.
"I'll talk to your professor. I'll ask them to move the deadlines they gave you."
Masama ang tingin na ibinigay nito sa'kin dahil sa sinabi ko.
"You know I won't let you do that."
"Why not? Look at yourself, wala ka ng pahinga. Ang payat payat mo na rin. Paano pagnagkasakit ka?" May bahid ng inis na sermon ko dito.
"Nagpapahinga naman ako. Kailangan ko lang talagang habolin lahat ng namissed ko para hindi mawala ang scholarship ko. Kailangan ko rin mag aral ng maayos dahil hindi ko pwedeng ibagsak ang finals next week," sagot naman nito kaya wala na akong nagawa at hindi nalang kumontra. Masyado kaseng matigas ang ulo niya. Ayaw niyang tumanggap ng tulong sa akin.
***
The next morning I called Arya before driving my way to school but she's not picking up the call. I turned my car on the left road which is the way into their house.
Saktong paghinto ko sa tapat ng bahay nila ay nakita ko naman itong humahangos palabas. Halatang nagmamadali ito dahil hindi ito masyadong nakaayos. I take a glance on my watch and I know why she's on a rush.
"Get in," I said na sinunod naman nito agad.
Pagpasok niya sa loob ay nagdrive na agad ako. She's late, alam kong napuyat na naman siya kagabi kakaaral at kakagawa ng mga activities na hindi niya pa nagagawa.
"Grabe hindi ko namalayan ang oras. Nalate pa ako ng gising kanina. Late na ako sa first class ko," pagrereklamo nito habang sinusuklay ang buhok niya. Napailing nalang ako dahil hindi pa pala ito nakakapagsuklay. Mukang tumakbo agad palabas ng bahay matapos magbihis.
"Nagbreakfast ka na?" Tanong ko at lumingon sa kaniya. Marahan naman siyang lumingon sa akin at ngumiti. I already knew the answer. She didn't.
Itinabi ko muna ang sasakyan sa tapat ng coffee shop na nadaanan namin. Nagtaka naman ito at tumingin sa akin.
"Bat ka huminto? Late na ako," reklamo nito sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.
I get off my car and brought her a coffee before driving our way to the university again. Pagdating namin don ay mabilis niyang inayos ang mga gamit niya.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...