MMP-(special chap.)

8.4K 228 18
                                    

FREEN's P.O.V

Looking at the golden skies, I can't help but to close my eyes and feel the warm breeze of the wind that slowly touches my skin.

"Ang ganda naman." I opened my eyes the moment I heard the melodic voice of my wife. My lips automatically formed a smile the moment I laid my eyes on my wife who's now staring at me with full admiration in her eyes.

"Ang ganda nga," I replied without taking my eyes off her beautiful face. I witnessed how her face slowly turns red because of what I've said. Cute!

She didn't say a single word and just smiled shyly. Marahan akong lumapit sa kaniya at pumwesto sa may likod niya. I wrapped my arms around her waist. Ipinatong ko rin ang chin ko sa ibabaw ng balikat niya. I can now smell her sweet scent, my favorite scent.

"I can't still believe that we're already married..." Nagsimulang siyang magsalita habang nakayakap pa rin ako sa kaniya mula sa likod. I closed my eyes and listen to her.

"...parang kailan lang iniisip ko pa kung babalik ka pa ba, kung makikita pa ba kita... o kung uuwi ka pa ba." Nang magdilat ako ng mga mata at ay napansin kong nakangiti na siya habang nakatanaw sa dagat. Ang ganda talaga ng asawa ko.

"Kaso tinakot mo naman ako sa pag uwi mo!" Napatawa ako ng mahina nang lingonin niya ako habang masama ang tingin. Ang bilis talagang magbago ng mood n'ya.

"Paano naman kita tinakot?" Natatawang tanong ko pero mas lalong sumama ang tingin niya. Siniko pa nito ang tagiliran ko kaya medyo napaatras ako. Sadista.

"Umuwi ka nga pero may balak ka ng magpakasal sa iba!" Napahiwalay ako ng yakap sa kaniya ng bigla niya akong itulak palayo. Hinampas pa nito ang braso ko kaya napahawak ako roon. Masakit 'yon ah.

"It's no—"

"Magtigil ka, Freen! 'Wag kang magdahilan diyan!" Idinuro ako nito habang matalim pa rin ang tingin niya sa akin. "Ang lakas pa ng loob mong hayaan na kami ang maging coordinator ng kasal niyo kuno!" Dagdag pa nito at sumipa sa buhangin papunta sa akin.

Hindi ko na napigilan ang muling matawa dahil sa ginawa nito.

"Bahala ka nga!" Iritableng singhal nito pagkatapos ay tumalikod at naglakad palayo.

Mabilis naman akong sumunod dito dahil kung hindi ko gagawin 'yon ay baka maging katapusan ko na.

"Love, wait—"

"D'yan ka lang! Bawal kang lumapit sa 'kin!" Dagdag pa nito at muli akong dinuro.

Hays! Hindi naman adobo ang ulam namin kanina pero tinotoyo na naman siya.

"Love, naman—"

"Heh!"

Sa halip na magpatuloy sa pagsunod sa kaniya ay huminto nalang ako at pinanuod siyang maglakad palayo. Nang siguro ay maramdaman niyang wala ng nakasunod sa kaniya ay huminto siya at lumingon.

Her forehead knit the moment she realized I wasn't following her anymore. Ang kaninang masama niyang tingin ay mas lalo pang sumama that if looks can kill, without a doubt, I'll be six feet under.

"So hindi ka talaga susunod?" May bahid ng pagbabanta sa boses nito.

Mabilis pa kay Flash na tumakbo ako papalapit sa kaniya.

"Syempre susunod. Kahit saan ka magpunta, susundan kita palagi." Sinubukan kong ngumiti sa kaniya ng malaki sa pagbabakasakaling mawala na ang toyo niya pero parang walang epekto.

"Ha? Hakdog!"

Napailing nalang ako dahil sa inasta nito. Napapaisip tuloy ako kung buntis na naman ba itong asawa ko. Ganitung-ganito kasi siya noong nagbubuntis siya sa anak namin.

Marry Me, Professor (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon