SERENITY's POV
Malaki ang ngiti ko nang makalabas ako ng office ni Prof. Salvatore. Aaminin kong grabe grabe ang inabot kong kaba kanina sa loob para lang kausapin s'ya ng ganun. Pero worth it din naman dahil hindi n'ya ako ni-drop sa klase n'ya, yun nga lang mukang nabwisit s'ya sa'kin lalo.
"Ano drop ka na ba?" Agad na tanong sa'kin ni Shagie nang dumating ako sa cafeteria. Ngumiti ako sa kan'ya ng malaki bago umiling. "Talaga? Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong n'ya kaya ngumiti ulit ako. "Himala! Hindi ka talaga ni-drop?" May pagdududa pa rin sa boses at mukha nito kaya natawa na ako.
"Hindi nga," natatawang pagkumbinsi ko dito.
"Pero bakit?" Puno ng pagtatakang tanong n'ya.
Mas lalo akong natawa sa dahil sa naging tanong nito. "Syempre, ako na to e."
"Baliw!"
Lumipas ang mga araw at pansin ko pa rin na mainit pa rin ang dugo sa'kin ni Prof. Sungit. Parang palagi s'yang may regla kapag nakikita n'ya ako.
"Excuse me." Tumabi ako at nilingon kung sino ang nagsalita sa likod ko.
Walang salitang nilagpasan ako ni Prof. Sungit. S'ya pala iyong nagsalita mula sa likod ko. Kahit ang lawak lawak ng hallway ay talagang pinatabi n'ya pa ako. Napailing nalang ako pagkatapos ay naglakad pasunod sa kan'ya. Doon din kase ang daan ko papuntang room.
"Arya!"
Muli akong napahinto sa paglalakad ng may tumawag sa'kin. Lumingon ulit ako sa likod at nakita si Ethan na medyo pawisan dahil sa pagtakbo.
"Bakit, Ethan? May kailangan ka ba?" Tanong ko nang makalapit s'ya sa'kin.
Ngumiti naman ito ng malaki sa'kin bago inabot ang maliit na card. "Can you be my date at the acquaintance party?"
Tiningnan ko ang card na hawak nito. Malapit na nga pala iyong acquaintance party pero wala pa akong susuotin.
"Kailangan ba talagang may date?" Tanong ko na ikinatawa n'ya ng mahina.
"Hindi naman pero gusto kitang maging date sa gabing 'yon, okay lang ba?"
Wala namang masama kung magiging date n'ya ako sa gabing 'yon. Date lang naman. "Sige," pagpayag ko at tinanggap ang card na binigay nito.
"Talaga?! Thank you!" Masayang sabi nito pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.
"M-masyadong mahigpit," pagsaway ko dito dahil sobrang higpit ng yakap n'ya. Kumalas naman ito sa'kin ng yakap at tumawa kaya natawa nalang din ako.
Matangkad at gwapo si Ethan. Maputi rin s'ya at makinis ang balat. Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi man lang ako nakakaramdam ng pagkagusto sa kan'ya. Kung pagiging kaibigan naman ay ayos na ayos lang sa'kin dahil mabait naman s'ya. Pero romantically? Wala talaga.
Tanghali palang ay umuwi na ako ng araw na 'yon. Wala kase kaming pasok sa hapon dahil may importante atang aasikasohin iyong professor namin.
"Anak, pwede mo bang bilhin itong mga gamit na kailangan ng kapatid mo sa klase? Sa mall raw kase ito kailangang bilhin, alam mo namang hindi ako maalam mamili sa ganung lugar," sabi ni mama at inabot sa'kin ang maliit na papel kung saan nakalista ang mga kailangan ni Saffary.
"Sige po, mama, ako nalang ang bibili mamaya pagkatapos kong hugasan ang mga plato," sagot ko dito.
Tumango naman sa'kin si mama at ngumiti. "Aalis na ulit ako dahil papasada pa ang papa mo. Kailangan kong bantayan iyong pwesto natin sa palengke," paalam ni mama bago umalis ng bahay.
BINABASA MO ANG
Marry Me, Professor (Complete)
RomanceFreen Salvatore is a business woman and a part-time professor who do not believe in love. Serenity Arya Apostol is a college student who's not interested in love. Her studies and her family was her priorities. But what if the world of this two col...